DALAWANG milyong pisong pabuya ang inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sino mang makapagtuturo sa bawat pulis na sangkot sa Ozamis mass killings na kagagawan ng pamilya Parojinog.
“P2 million per head, dead or alive. Better dead because I have to pay for the funeral parlor expense,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 116th Police Service Anniversary sa Camp Crame sa Quezon City.
“Like the policemen who are now shortlisted in the killing of so many civilians buried in a cemetery there at the back of a barangay hall, each of the policeman carried on their head now, I’m announcing P2 million per head. And you are free to go and leave,” dagdag niya.
Kamakalawa, nahukay ng mga pulis sa Ozamis City ang mga buto ng umano’y mass grave na ginamit ng mga miyembro ng “martilyo gang” na sangkot sa pamilya Parojinog.
Sinabi ni Pangulong Duterte, bibisita siya sa Ozamis City upang personal na bantaan ang mga pulis na sabit sa mga Parojinog ngunit hindi niya tinukoy kung kailan gagawin ito.
“I will be visiting Ozamis. I will not tell you when. ‘Yung mga kasama ni Parojinog, you will have your comeuppance,” aniya.
(ROSE NOVENARIO)