Monday , December 23 2024

Convicted drug lords itutumba (Drug trade ‘pag tuloy sa Bilibid) — Duterte


WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung maulit ang insidente ng pagpaslang ng mga pulis kay Albuera City Mayor Rolando Espinosa sa loob ng bilangguan.

Ayon kay Pangulong Rodrigo, ipinagpapatuloy ng mga sentensiyadong kriminal ang drug trade kahit nasa Bilibid kaya ang utos niya sa mga pulis, barilin sila kapag nagpakita ng kahit katiting na paglaban kapag sinita nila.

“It’s all directed… The mafia does it inside the jail. ‘Yan ang problema dito and we are helpless. We cannot kill them because they are already inside. We cannot imprison them because they are already in prison,” aniya sa ika-116 anibersaryo ng police service sa bansa sa Camp Crame kahapon.

Katuwiran ni Duterte, nagmumukhang tanga ang mga awtoridad sa convicted drug lords na nakapagbebenta pa rin ng shabu kahit nakakulong dahil hindi na puwedeng sampahan ng kaso para patawan ng parusa.

“But I would tell everybody: No matter what it takes, there are always consequences. Me, if there is a shootout, if they offer the slightest violent resistance, if you have to shoot them, shoot them in the head. For after all, we have had training about shooting. If they want to put up a violent fight, thereby placing yourself, the lawmen in jeopardy, go for it. That is my order. You feel that your life is in danger, go ahead. Do not come empty-handed,”

Si Espinosa ay namatay habang nakapiit sa Baybay City Provincial Jail nang barilin ng mga pulis habang isinisilbi sa kanya ang search warrant.

Muling binatikos ni Pangulong Duterte ang mga dayuhan na dumayo pa sa Filipinas para dalawin sa PNP Custodial Center si Sen. Leila de Lima, gayong ang senadora aniya ang nagpatakbo ng drug trade sa Bilibid noong Justice secretary pa.

“But you know, the one thing that I really hated and that’s why I’d give them a bad mouth is because they are so naïve and stupid that they come here and visited the Secretary of Justice who was all along running the show of shabu and illegal drugs inside the prison. And that is what is happening in Mexico and in China,” dagdag ni Duterte.

Noong nakaraang buwan, binisita ng mga opisyal ng Liberal International (LI) si De Lima na anila’y nilabag ang karapatan ng administrasyong Duterte kaya idudulog nila sa United Nations (UN).

ni ROSE NOVENARIO

Dead or alive may
pabuya si Digong
P2-M KADA POLICE
HITMAN
NG PAROJINOGS


DALAWANG milyong pisong pabuya ang inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sino mang makapagtuturo sa bawat pulis na sangkot sa Ozamis mass killings na kagagawan ng pamilya Parojinog.

“P2 million per head, dead or alive. Better dead because I have to pay for the funeral parlor expense,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa 116th Police Service Anniversary sa Camp Crame sa Quezon City.

“Like the policemen who are now shortlisted in the killing of so many civilians buried in a cemetery there at the back of a barangay hall, each of the policeman carried on their head now, I’m announcing P2 million per head. And you are free to go and leave,” dagdag niya.

Kamakalawa, nahukay ng mga pulis sa Ozamis City ang mga buto ng umano’y mass grave na ginamit ng mga miyembro ng “martilyo gang” na sangkot sa pamilya Parojinog.

Sinabi ni Pangulong Duterte, bibisita siya sa Ozamis City upang personal na bantaan ang mga pulis na sabit sa mga Parojinog ngunit hindi niya tinukoy kung kailan gagawin ito.

“I will be visiting Ozamis. I will not tell you when. ‘Yung mga kasama ni Parojinog, you will have your comeuppance,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *