Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayon kay Lorenzana: Martial law scenario sa PH ikinakasa ng CPP-NPA

IKINOKONDISYON ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang isipan ng publiko sa mga ilulunsad nilang mga ‘aktibidad’ bilang ganti sa pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa negosasyong pangkapayapaan sa kanilang hanay.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakababahala ang isiniwalat ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison, na may sabwatan ang Central Intelligence Agency (CIA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na two-stage military Duterte-Sison kill plot.

Kinuwestiyon ni Lorenzana ang pinanggalingan ng impormasyon ni Sison sa umano’y Duterte-Sison kill plot at kung ito ba’y kapani-paniwala.

“JoMa’s revelation is actually cause for concern. How did he get the information? Who is his source? How reliable?” aniya.

Duda si Lorenzana sa motibo ng CPP-NPA sa paglalako ng nasabing senaryo lalo na’t napaulat na si Sison ang nagpakana ng Plaza Miranda bombing noong 21 Agosto 1971, at isinisi ito kay noo’y Pangulong Ferdinand Marcos.

“Or it could be that the CPP/NPA is preparing our minds for any eventuality that will be orchestrated by the NPA themselves now that the President has stopped the talks with the NDF? Remember that Sison instigated the Plaza Miranda bombing and blamed it on Marcos,” dagdag ni Lorenzana.

Matatandaan, ginawang dahilan ni Marcos ang Plaza Miranda bombing at ambush kay noo’y Defense Secretary Juan Ponce-Enrile para ideklara ang batas militar noong 21 Setyembre 1972.

Inakusahan ni Marcos ang CPP na nakipagsabwatan kay Liberal Party stalwart Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. sa pambobomba sa Plaza Miranda upang isulong ang hangarin na pabagsakin ang kanyang gobyerno at agawin ang kapangyarihan.

Ayon sa isang political observer, malaking dagok sa kilusang komunista ang pagbagsak ng peace talks sa panahong mabango sa masa si Pangulong Duterte, na tukoy ng militar ang matataas na opisyal ng CPP-NPA na lumutang para lumahok sa peace negotiations, at ngayo’y kailangang bumalik sa underground.

“Mahihirapan magtago rito ang top rebel leaders dahil ituturo sila ng masa sa militar, lalo na’t may ipinakalat na text hotline ang AFP at PNP at may patong silang milyon-milyong piso sa ulo. Sa ibang bansa lang talaga sila uubrang kumilos nang malaya,” aniya.

Dagdag niya, may posibilidad na may “malaking aksiyon” na gagawin ang kilusan para mailihis ang atensiyon ng militar upang magkaroon ng tsansa na makapuga ang mga pinuno nila.

Maaari rin aniyang planong magpalakas ng kanilang puwersa ang CPP-NPA kapag natuloy na isailalim sa batas militar ang buong bansa.

Magugunita, sa kasagsagan ng batas militar ni Marcos, lumobo nang husto ang kasapian ng kilusang rebolusyonaryo bunsod ng mga insidente ng paglabag sa karapatang pantao.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …