Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Young actress, wa knowing sa pagsa-sideline ni BF sa bading

SADYANG mahina lang ba ang radar ng isang young actress kung kaya’t hindi niya natunugan ang kataksilan ng kanyang boyfriend? Bale ba, hindi girlalu ang karibal niya kundi isang rich beki!

“Sinabi mo pa, ‘Day!” pagkukompirma ng aming source. Ang siste, walang kamalay-malay ang aktres na ang kahati pala niya sa puso ng kanyang dyowa ay isang bading.

“Madatung kasi ‘yung baklita, palibhasa negosyante. Pero saan ka, that time, eh, mayroon ding dyowa ‘yung beki na itinira niya sa isang unit somewhere in Kyusi. As in pinagsabay niyong beki ‘yung boylet na ‘yon at ito ngang dyowa ng young actress!”



Magkarelasyon na ang aktres at ang boyfriend niyang aktor noong biglang pumasok sa eksena ‘yung bading.

“At take note, kinompleto ng gay lover na ‘yon ng lahat ng gamit ng aktor na ‘yon sa ginetlak niyang unit tulad ng ginawa niya roon sa dinispatsa niyang dyowa. Wa knowing naman niyong aktres na ‘yung dyowa pala niya na inakala niyang faithful sa kanya, eh, hawak na pala ng rich gay businessman!” tsika pa ng aming source.

Da who ang young actress at ang dyowa niyang aktor na sumasaydlayn sa bading? Itago na lang natin sila sa alyas na Kimberly Tsunami at Andy Jefferson.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …