Monday , December 23 2024

Joint strike ng PH-US vs ISIS nega sa Duterte Tillerson meet

HINDI pinag-usapan ang paglulunsad ng joint US-PH air strike sa Marawi City nang magharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US Secretary of State Rex Tillerson sa Palasyo, kamakalawa ng gabi.

Kinompirma nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., hindi tinalakay sa pulong nina Duterte at Tillerson ang napaulat na humirit ang Pangulo ng ayudang air strike kay Uncle Sam.

“Per Secretary Lorenzana and National Security Adviser Esperon that matter of air strike has not been discussed by the two countries, nor is there a request from the Philippine government,” ayon sa text message ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga mamamahayag kahapon.

Ibinalita ng foreign media, ikinokonsidera ng Pentagon ang plano na payagan ang US military na maglunsad ng air strikes laban sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Filipinas, gamit ang armed drones.

Ipinagmalaki ni Pentagon spokesperson Capt. Jeff Davis, 15 taon na ang “counter-terror presence” ng US sa bansa.

Sa kanyang pagbisita sa bansa, inihayag ni Tillerson na kasama sa ayudang ipinagkaloob ng US sa Filipinas sa kampanya kontra-ISIS ang pagbibigay ng ilang Cessnas at UAVs (drones).

“We’re providing them some training and some guidance in terms of how to deal with an enemy that fights in ways that are not like most people have ever had to deal with. I see no conflict at all in our helping them with that situation and our views of other human rights concerns we have with respect to how they carry out their counter-narcotics activities,” ani Tillerson.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *