RESPONSIBILIDAD ng bawat bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pairalin ang ganap na seguridad, katatagan at pinagsamang kaunlaran sa rehiyon.
Binigyan-diin ito ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang talumpati sa 50th anniversary ng ASEAN sa PICC kahapon.
“We want a region that is secure — where our people can live without fear from the lawless elements and the debilitating effects of corruption and transnational crimes. We want a region that is stable—where democratic institutions work, where nations regard each other with mutual respect and understanding, and where the rule of law reigns supreme in the relations between states,” aniya.
Walang partikular na paksang tinukoy si Duterte bagama’t naunang nagpahayag ang ASEAN nang pagkabahala sa isinagawang missile tests ng North Korea at iringan sa teritoryo sa South China Sea.
Iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsusulong ng “sustainable and inclusive growth” para sa ASEAN na walang mapag-iiwanan.
Inendoso ng Pangulo ang China-backed Regional Comprehensive Economic Partnership kasabay nang pagkontra sa protectionism at hinimok ang pribadong sektor na makipagtulungan sa pamahalaan upang mabawasan ang antas ng kahirapan sa rehiyon.
Bukod sa ASEAN foreign ministers, dumalo rin sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa dialogue partners gaya nina Chinese foreign minister Wang Yi at North Korean foreign minister Ri Yong Ho.
(ROSE NOVENARIO)