Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raffy Tulfo, aayudahan ang taxi driver na pinagbintangang magnanakaw ni Maegan

NASA likod ng isang kaawa-awang taxi driver na nagngangalang Vinet Alforque (ng Nimble Taxi) ang programang Wanted Sa Radyo sa pangunguna ni Raffy Tulfo sa paghahabla ng kasong libel laban kay Maegan Aguilar.

Kung para sa marami ay isang malaking Da Who si Megan, siya lang naman ang anak ni Ka Freddie na minsan nang lumapastangan sa kanya only to crawl her way back patungo sa mapagkalingang bisig ng ama.

Pinaratangan kasi ni Maegan na magnanakaw si Vinet, ang drayber ng sinakyan niyang taksi kamakailan. Naiwan kasi ng hitad ang kanyang gitara (katabi ng driver’s seat), isang tasa, at ilang personal belongings sa taxi considering na kasyungahang matatawag na makaligtaan niyang bitbitin ang instrumentong pinagkukunan niya ng kabuhayan!

Pinalabas ni Maegan na ninakaw ng driver ang mga ito. The nerve na nagsumbong pa sa LTFRB na halatang pinanigan pa siya (eh, ‘di namura tuloy ang isang nagngangalang Joel Bolano ni Kuya Raffy sa ere!).

Ang mga maling paratang ni Megan ay ipinost pa niya sa kanyang FB account na Phoebe Dee ang pangalan (just asking, why hide under a different name, may ginawa bang kahitaran ang hitad para umiwas?)

Kagyat na umayuda si Kuya Raffy sa drayber na isinama pa ang kanyang operator na si Rosalinda Gigante sa himpilan. Ituloy daw ng mga ito ang libel case against Megan.

Hindi rin nagpaawat si Maegan sa kanyang FB post, magkita rin daw sila ng driver sa korte. She, too, will file legal action.

Teka, saan kukuha ng filing fee si Maegan, eh, wa naman siyang datung? Sa tatay niya, eh, nang hingan nga ng reaksiyon ng Wanted si Ka Freddie ay “No comment!” ang kanyang sagot.

In short, hindi kinukunsinti ng iconic folk singer ang palsong ugali ng anak…’yun ‘yon!

(RONNIE CARRASCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …