Friday , November 15 2024

Trapik (Unang Bahagi)

BAWAT araw na dumaraan ay lalong lumalala ang kalalagayan ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila. Madalas, lalo na kung katatapos lamang ng ulan, ay nagmimistulang malalaking “parking lot” ang mga kalye.

Ang ilan sa resulta ng masamang daloy ng trapiko ay: malaking gastusin ng pamahalaan; pagkawala ng “quality o productive time” ng mga pamilya, manggagawa’t empleyado; mga problemang pangkalusugan, lalo na ‘yung may kinalaman sa puso, dugo, baga at kidney; environmental disaster dahil sa matindi at naiipon na polus-yon; at marami pang iba.

Marami nang nagmungkahi ng kung ano-anong solusyon sa grabeng bagal ng trapiko pero wala pa rin nangyari. Naandiyan na nagkaroon ng color-coding, odd-even scheme, pook batayan etc… pero matrapik pa rin. Bakit kaya?

Ayon sa mga sosyologo malaki raw ang bahagi ng ating kultura’t kasaysayan sa problema ng trapik. Sabi nila dahil sa haba ng panahon na tayo ay inalila ng mga kanluranin ay nagkaroon tayo ng komplikadong personalidad. Ang mga komplikasyong ito ang iniwan sa ating diwa ng mga Kastila at Amerikanong mananakop.

May “inferiority complex” tayo pagdating sa ating pakikipag-ugnay sa mga dayuhan lalo na kung sila ay maputing kanluranin at “superiority complex” naman ang nararamdaman ng karamihan pagdating sa pakikipag-ugnay sa kapwa Filipino lalo na kung siya’y maitim at mukhang mababa ang katatayuan sa lipunan.

Ang “superiority complex” na ito pagdating sa ating maliliit na kalahi ang isa sa mga dahilan kaya marami sa atin ang hindi sumusunod sa mga batas trapiko at “traffic enforcers.” Para sa kanila walang karapatan ang mga “inferior” na “traffic enforcers” na sila ay sitahin. Malakas na malakas ang kanilang “sense of entitlement” dahil sa palagay na mataas ang kinalalagyan nila sa lipunan kompara sa “traffic enforcers.”

Pero kataka-taka na pagdating sa ibang bansa, lalo sa mga pinamamahayan ng mga puti, ang mga may superiority complex ay tiklop at masunurin sa mga alituntunin, lalo sa batas trapiko. Hindi lamang dahil mabigat ang parusa kaya sila masunurin sa batas, malaki ang likas na bahagi ng “inferiority complex” sa likod ng pagiging masunurin. Sa katunayan, nagiging modelong mamamayan pa sila dahil sa sobrang pagiging masunurin. Hindi ba kataka-taka ito?

Sabi ni Paulo Freire, isang edukador mula sa Brazil, ang binabalingan ng maliliit ng kanilang galit o karahasan ay ang kapwa maliit o mas maliit pa—ito ‘yung tinatawag na “horizontal violence of the poor.”

Dahil natutuhan natin mula sa mga Kastila’t Amerikano na sila ay superior, ang tendensiya ng marami sa atin ay maging masunurin sa kanila at suwail naman sa kapwa subalit ordinaryong Filipino. Ito ang isa sa konkretong ibig sabihin ng “horizontal violence” para sa atin.

(May karugtong sa Miyerkoles)

***

Tuloy ang kilos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban sa korupsiyon at mga tiwaling miyembro ng Philippine National Police kahit pinag-iinitan siya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

 

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *