NIREREPASO ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagbili ng Japan Tobacco Int’l sa Mighty Corp sa halagang P45 bilyon.
Sinabi ni PCC chairperson Arsenio Balisacan, 90 araw ang itinakdang araw para repasohin ng PCC ang kasunduan ng JTI at Mighty.
Kapag hindi aniya nakapaglabas ng desisyon ang PCC sa loob ng 90-araw, ang transaksiyon ay itinuturing na aprubado.
Naunang napaulat na gagamitin ng Mighty ang mapagbebentahan upang ipambayad sa pagkakautang sa buwis sa gobyerno na P25-B.
Matatandaan tatlong kaso ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Mighty sa Department of Justice (DOJ) dahil sa hindi pagbabayad ng excise tax at paggamit ng pekeng tax stamps.
Ang dapat bayaran umano ng Mighty sa pamahalaan ay umaabot sa P37.88 bilyon.
ni ROSE NOVENARIO