Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maris at Iñigo, magpapakilig sa MMK

#MMKLoveTeam Ito ang hashtag ng episode na matutunghayan sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, Agosto 5, sa Kapamilya.

Love Team ang iikutang istorya ng mga katauhang bibigyang buhay nina Maris Racal at Iñigo Pascual bilang sina Lou Ann at Allan.

Na pinagdikit na ng kanilang mga kaklase at kaibigan sa panahong nag-aaral pa lang sila.

Kikiligin sa istoryang natisod ni Mark Angos at idinirehe ni Mae Cruz Alviar. At kasama namang magsisiganap sina Arlene Muhlach as Tita, Heaven Peralejo as Jackelyn, Vivoree Esclito as Cherry, Andre Yllana as Dom, Amy Nobleza as Jona, Jairus Aquino as Paul, Kokoy de Santos as Von, Nikki Bagaporo As Riza, Rochelle Barrameda as Mel, Bea Basa as Young Lou Ann, at Noel Comia as Young Allan.

Umikot sa high school life nina Lou Ann at Allan ang pagiging love team nila na may na-develop na damdamin para sa isa’t isa. Pero alam naman natin si Fate. Laging may test. Dinala ng trabaho niya sa Dubai si Allan. Kaya sa kalaunan, hindi nila nakaya ni Lou Ann ang LDR o long distance relationship. Mas naghamon pa si Fate—kung ngayong nag-iba na ang twist ng mga puso nila eh, may matutuklasan pa ba sila sa kanilang muling pagkikita?

At kung manunumbalik ba ang Love Team ng high school life sa buhay pagkatapos nito.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …