MATAGAL na umanong raket sa Bureau of Customs kung paano nalalagay ang isang bagong consignee sa GREEN LANE.
Kung ito ba ay may human intervention?
Sa konting kaalaman natin sa sistema sa green lane ay nagagamit ito para makaiwas sa customs physical inspection ng kanilang shipments at mapabilis ang release nito.
Binubusisi ngayon ng kongreso ang mga import entries na ginamit sa P6-B shabu from China.
Malalaman rin ang importers/consignee gaya ng EMT Trading kung gaano kababa ang duties and taxes na binabayaran nila.
Para sa akin ang parameter dito is how much ba?
Ang isang malaking tanong dapat ng mga mambabatas ay mandato ng Deputy Commissioner for Enforcement (EG) at ng Deputy Commissioner for Intelligence (IG).
Bakit hindi sila isinasali sa customs anti-smuggling operations outside Customs?
Gaya ng P6-B drug bust sa Valenzuela city.
Sino ba talaga ang accountable sa P6-B shabu shipment na ito!?
Nosi balasi?!
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal