NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magpapalawig sa bisa ng Philippines passport sa 10 taon mula sa dating limang taon.
Sa pinirmahan ni Pangulong Duterte na Republic Act 1928, inamiyendahan nito ang Section 10 ng RA 8239 o Philippine Passport Act of 1996, na nagtatakda na balido ang Philippine passport sa loob ng 10 taon.
Ngunit para sa edad 18-anyos pababa, itinadhana sa bagong batas na limang taon ang bisa ng kanilang pasaporte.
Samantala, limang taon na ang bisa ng driver’s license, batay sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte kahapon.
Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 10930, na pinalalawig ang bisa ng driver’s license sa limang taon.
Inamiyemdahan ng bagong batas ang Section 23 ng RA 4136, at Executive Order 1011 o Land Transportation and Traffic Code.
“It shall be the policy of the State to establish a system that promotes the ease of access to government services and efficient transportation regulation favorable to the people,” sabi sa bagong batas.
(ROSE NOVENARIO)