BUNGA ng mapagsamantalang pananaw ng isang makasariling politiko ang pagbatikos ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa drug war ng administrasyong Duterte.
Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa sinabi ni Aquino kamakalawa, na sa kabila ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman nagbago ang bilang ng drug personalities na 1.8 milyon drug users mula noong 2015.
“Aquino is an erstwhile politician with jaded cynicism borne out of a history of political opportunism,” ani Abella.
Ang record aniya ng resulta ng drug war ng administrasyong Duterte ang nagsasabi na may malaking pagbabago sa illegal drugs problem ng bansa lalo ang pagsuko sa mga awtoridad nang may 1.3 milyong drug personalities.
Umabot aniya sa 97,704 kataong sabit sa illegal drugs ang dinakip ng mga awtoridad sa loob nang isang taon ng administrasyong Duterte o pagtaas nang 18,893
kompara sa 77,810 kataong inaresto sa anim-taon rehimeng Aquino.
Nakompiska aniya ng isang-taon gobyernong Duterte ang may 2,445.80 kilo ng shabu, mas mataas ng 773.27 kompara sa 3,219.07 kilo ng shabu na nakompiska ng anim-taon rehimeng Aquino.
Para kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “shamelessly cocky and an outrageous chutzpah” ang komentaryo ni ex-PNoy sa Duterte drug war.
“PNoy’s comment on the President Duterte’s war on drugs as being ineffective is shamelessly cocky and an outrageous chutzpah,” ani Panelo.
Ang kritisismo aniya ay nagmula sa isang pinuno ng gobyerno na lumala ang drug problem ng bansa dahil sa kawalan ng kakayahan o pinabayaan na pigilan ito.
(ROSE NOVENARIO)