Tuesday , May 13 2025

Kasambahay ni Claudine, muntik mabudol-budol

WOWOWIN daw!

Naikuwento sa amin ng first time na magdidireheng si Dinky Doo ang tawag sa kanya ng kaibigang si Claudine Barretto habang nagmi-meeting kami para sa kanyang ipalalabas na sa Setyembreng DAD: Durugin ang Droga.

May gustong iparating si Clau sa kaibigan naman ni Dinky na host ng Wowowin na si Willie Revillame.

Muntik na palang mabudol-budol ang maid ni Claudine na tinext na nanalo siya ng P780K sa nasabing programa. Siyempre, sa simula excited ang maid. Pero nang ang kasunod na text sa kanya eh, pumunta siya sa Palawan eh, naloka na ito kaya agad na sinabi sa kanyang amo na si Clau.

Kaya gustong maiparating ni Clau kay Willie at staff nito na hanggang ngayon, may mga nag-aakala pa rin na makalulusot ang ganitong modus.

Simple nga lang ‘yan. Wala kang tinayaan kaya magtaka ka kung bakit at paano ka mananalo. Na kay Clau ang numerong ginamit ng nag-text. Pero dahil buking na ito malamang na gaya sa rami na ng SIM card na ginagamit nila eh, naitapon na ito kundi man nasira na.

Give mo na lang bonus si Manang mo, Clau!

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *