PURSIGIDO ang admi-nistrasyong Duterte na isulong ang daan tungo sa pagbabalik ng dignidad ng bansa kaya makikipagtulungan kay Uncle Sam para maibalik sa Filipinas ang Balangiga Bells.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahagi ng “national heritage” ng bansa ang Balangiga Bells kaya ikinagalak ng Malacañang ang pahayag ni US Ambassador to the Phi-lippines Sung Kim na magsusumikap ang Amerika na mabigyan ng solusyon ang isyu ng Balangiga Bells.
“We welcome US Ambassador Sung Kim’s remarks on trying to reach an early resolution on the Balangiga bells. The Balangiga bells, as the President mentioned, are an important part of our national heritage. The Philippine government will continue to work with the US to pave the way for the rightful return of the Balangiga Bells to the country,” ani Abella.
“The government is also committed to continue to lay the path towards the restoration of our dignity as a nation,” dagdag ni Abella.
Matatandaan, ipinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Amerikano ang tatlong Balangiga Bells na ninakaw ng US bilang war booty matapos ipag-utos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng lalaking may edad 10-anyos pataas sa Samar, nang mapaslang ng mga Filipino ang 46 sundalong Amerikano noong Fil-Am war.
Ang dalawang kampana ay nasa US military base sa Cheyenne, Wyoming at ang isa ay nasa museum sa South Korea.
“They are ours. They belong to the Philippines. They are part of our national heritage… Isauli naman ninyo. Masakit ‘yan sa amin,” ani Pangulong Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang Lunes.
Nagalit ang Pangulo sa pag-iimbestiga ng US Congress sa umano’y extrajudicial killings dulot ng kanyang drug war dahil walang “moral ascendancy” ang US na magposturang tagapagtanggol ng human rights ga-yong maraming inutang na dugo ang Amerika sa iba’t ibang bansang sinakop at dinigma nito
(ROSE NOVENARIO)