FEELING pa rin pala ng female singer na ito’y nasa rurok pa siya ng katanyagan. In fairness, dekada 80 hanggang 90 ay talaga namang nag-uumapaw ang kanyang kasikatan.
Ang hindi lang napagtanto ng hitad, weder-weder lang ang buhay. Hindi porke’t sikat siya noon ay panghabambuhay na niyang panghahawakan ang magandang kapalaran na ‘yon.
Natatawang kuwento ito ng kanyang mga kapwa mang-aawit na lulan ng iisang van patungo sa venue ng kanilang pagtatanghalan.
Habang nakababa nang lahat ang mga performer sa sasakyan ay hindi pa rin natitinag sa pagkakaupo ang female singer. Kinailangan pa niyang magtalukbong ng telang puti bago pumasok sa venue, baka raw kasi kuyugin siya ng fans.
“Ilusyonada rin ang lola mo, ha? Sukat ba namang nagtakip siya ng malapad na white cloth habang dumadaan kung saan naroon ang mga fan, deadma naman ang madlang pipol. Casper, the friendly ghost tuloy ang dating niya! The height, nagpe-perform na siya sa stage, tanungan ng tanungan ang audience kung sinex daw ba ‘yung nasa entablado…in short, isa siyang da who!”
Da who ang feeling sikat pa rin na singer na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Ruby Violago.
(Ronnie Carrasco III)