Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rebelasyon ng tagapagtanggol ng umano’y biktima ni Belleza, maraming loopholes

ISANDAAN at dalawampung libong piso ang inilagak na piyansa ng Tawag ng Tanghalan champion na si Noven Belleza sa kanyang pansamantalang paglaya kaugnay ng kasong sexual assault na isinampa laban sa kanya ng isang babaeng taga-Cebu.

Pero nagtataka kami sa mga samo’tsaring reaksiyon sa social media. Sa halip kasi na umani ng pambabatikos si Noven sa umano’y krimeng kanyang ginawa ay ‘yung alleged victim pa ang bina-bash.

Kung kami ang tatanungin, the fact na handa si Noven na harapin ang kaso, ibig lang sabihi’y naninindigan siya na inosente siya.

Nang pasadahan din namin ang “rebelasyon” ng isang kaibigang tagapagtanggol ng alleged victim, para sa amin ay marami itong loopholes.

This much we know, ang karaniwang biktima ng panghahalay ay sa pamilya unang-unang tumatakbo for help. Mula sa mga kaanak ay doon lang papasok ang police intervention.

Bakit tila may mga lapses in terms of time mula sa insidente hanggang makarating sa kaalaman ng partido ng umano’y biktima?

Kasilip-silip din ang anggulong nag-CR muna ang babae sa condo unit ni Noven, at hinayaan lang ng dalawa nitong kasamahan. Bakit hindi nag-CR ang babae sa pinanggalingan ng kanyang grupo, bakit itinaon ‘yon sa “teritoryo” ni Noven?

Tinataya ring may isang oras na naganap ang “krimen,” kung panghahalay ang naramdaman ng biktima, hindi sana ‘yon tumagal ng ganoon. Antimano, the girl should have shouted for help o ‘di kaya’y dali-daling tumakas palabas ng unit.

Binibigyan lang namin ng benefit of the doubt ang babae, this is not to say na walang sexual molestation na naganap. Posibleng mayroon, possible ring wala.

Pero kung sakali kayang hindi isang virtual nobody si Noven (as in tambay lang o ordinaryong tao), would this have become a big issue?

We doubt!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …