Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phoebe walker
Phoebe walker

Phoebe Walker, game maghubad sa pelikula!

NANINIWALA si Phoebe Walker na bahagi lang ng kanyang trabaho bilang aktres ang magpa-sexy o maghubad sa pelikula. Nagpakita siya ng galing sa pag-arte nang manalong Best Supporting actress sa Metro Manila Film Festival 2016, para sa pelikulang Seklusyon.

Kahit tila nagiging tatak na ni Phoebe ang pagiging palaban sa hubaran, trabaho lang ito sa kanya. ”Okay lang naman sa akin iyon kung ang maging image ko ay pa-sexy. Kasi, well… doon ako nag-start sa ganyan, kaya okay lang sa akin iyon.

“Kasi, I do wanna be confident about myself naman and about my body. So… and I don’t see anything wrong with it as long as you’re able to bring yourself well naman. You know, my personality is very salu-ngat minsan sa ipino-portray ko sa project, kaya okay lang naman,” pahayag ni Phoebe.

Isa si Phoebe sa tampok sa pelikulang Double Barrel ni Direk Toto Natividad na launching movie ni AJ Muhlach bilang action star. All out dito si Phoebe sa kanyang love scene kay AJ na plaster lang ang cover, kaya inusisa namin siya kung mag-e-enjoy ba ang mga barako sa pelikula nilang ito na ipapalabas na sa August 2.

Esplika ng Viva actress, “Sa movie naming Double Barrel kasama sina AJ Muhlach at Jeric Raval, aksiyon naman po ito and ang character ko is hitman. Bale, hitman kaming mag-asawa roon, si AJ ang asawa ko. May love scene kami sa start ng movie, to establish the relationship lang. And iyon, plaster lang nga ang naka-cover sa vital parts ng body ko, pero walang nudity na makikita or masisilip talaga rito,” wika niya.

Sinabi rin niya kung bakit siya nag-plaster. “Para ma-feel ko naman na may proteksiyon pa rin ako sa part na iyon. Ayaw ko naman ipakita lahat. Na gusto ko naman ma-feel na hindi pa ako expose nang todo. Tsaka kasi, puro lalaki ang crew namin at ayaw ko naman na parang expose ako sa mga mata nilang lahat.”

Although nagpapa-sexy, ayon kay Phoebe ay gusto niyang maging versatile na ak-tres. May ginagawa siya ngayong horror na mini-series para sa Cignal Entertainment titled Tabi Po with Luis Alandy at AJ Muhlach.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …