Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jose Manalo, nagtungo ng Las Vegas para magpakasal

 

MAY katotohanan kaya ang balitang nasagap namin na may iba pang dahilan kung bakit nagbakasyon si Jose Manalo sa Amerika?

Earlier, kumalat sa social media na sinuspinde si Jose ng Tape, Inc. makaraang masangkot sa bugbugan with Wally Bayola.

Curious, kinlik namin sa FB ang lumabas na balita, pero wala itong laman. Sa madaling salita, fake news ang nag-circulate na balita.

Sabi pa, kaya sapilitang pinagbakasyon si Jose ay para turuan siya ng pamunuan ng Eat Bulaga ng leksiyon. But lesson on what? Madalas kasing uminit ang ulo ng komedyante, dahil na rin marahil ng kakulangan sa pahinga sa katatrabaho.

But how true na ang ipinunta ni Jose sa US ay para pakasalan lalo sa Las Vegas ang nobya niyang dancer ng EB?

Sa mga nakaaalam, marami nang showbiz couples ang dumarayo sa bahaging ‘yon ng Nevada para magpakasal (only to seek divorce rin naman kapag hindi nag-work out ang kanilang pagsasama).

With Jose and his dancer-partner joining the growing list of celebrity pairs na nagpapalitan ng I do roon, harinawa’y maging matatag ang kanilang relasyon.

But wait, alam kaya ito ng estranged partner ni Jose rito sa Pilipinas?

If so, ano naman kaya ang kanyang masasabi sa balitang ito?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …