Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, bukas-palad ang pagtulong sa mga batang may sakit

 

MARAMI ang ‘di nakaaalam na malambot ang puso ni Nadine Lustre sa mga batang may malalang karamdaman kaya naman everytime na may nababalitaan ito o nakikita sa Facebook na batang may malalang sakit, kaagad nitong inaalam ang lugar para makapagbigay ng tulong.

Dagdag pa ng aming source, marami ng bata ang natulungan ni Nadine. Hindi nga lang nito ipinaaalam dahil mas gusto niyang maging sikreto ang mga pagtulong na ginagawa.

May isa ngang insidente na lumuha ang teen actress dahil isa sa kanyang batang tinutulungan ay namatay. Masyadong naapektuhan si Nadine sa nangyari sa bata.

Kaya naman marahil kahit anong grabeng intriga ang ipinupukol sa aktres ay patuloy na binibiyayaan sa rami ng proyekto. Bukal kasi ang pagtulong na ginagawa nito.

Sanay dumami pa ang katulad ni Nadine na bukas ang palad sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …