Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Male singer, nakarma nang biglang nagtaas ng TF

 

TIYAK na madadala nang kunin ng mga concert producer ang male singerna ito. Dapat sana’y kabilang ito sa mga kaedaran at kapanahunan niyang singer na magtatatanghal sa isang bonggang venue.

“Imagine, ‘yung tatlong singer na makakasama niya dapat, eh, nakuha lang ng produ na tig-P175K para sa isang gabing show. Pero itong kumag na itey, eh, ayaw pumayag sa presyo? Dapat daw, eh, mas mataas ang TF (talent fee niya) kaysa roon sa tatlo? Ang asking price niya, eh, P250K! Para wala nang isyu, pumayag na rin ang produ, kaya right away, binayaran siya ng halagang hinihingi niya!”

Pero siyempre’y markado na sa produ ang inasal ng male singer na ‘yon.

“So, nag-down payment agad ‘yung produ. Kaso, ang kumag, biglang nagkasakit so hindi na siya puwedeng mag-perform. Ang ending, obligado niyang isauli sa produ ang downpayment, or else…,” sey ng aming source.

Da who ang noo’y sikat na sikat na male singer, pero sablay na ang boses ngayon? Itago na lang natin siya sa alyas na Federico Punongbayan. (Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …