Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
butch Francisco

I intend to die as an actor — Butch Francisco

 

NAIS naming maglaan ng espasyo rito para sa dating kasamahan na si Butch Francisco. Sa totoo lang, mas naging malapit kami ni Tito Butch nang mawala sa ere ang Startalk almost two years ago.

Proof of our closeness ay ang madalas naming pag-uusap sa telepono sa gabi na umaabot hanggang madaling araw. In a way ay gusto naming ipadama sa kanya na hindi dahil hindi na kami magkatrabaho’y natuldukan na rin ang aming pagkakaibigan.

Sa mga nagtatanong kung kumusta na si Tito Butch, well, he has found another career avenue: ang pag-arte.

Yes, kabilang siya sa seryeng pinamagatang Tokhang among several shows na inilunsad kamakailan ng Cignal sa TV5.

Papel na investigative reporter ang ginampanan niya sa kuwento na nasa cast din si Mon Confiado, among many others.

Ang kilalang si Tita Joanne Banaga ang nag-alok kay Butch ng acting part, na kung bakit nito tinanggap ay dahil isang oportunidad din ‘yon to be visible again on TV kahit hindi na siya host.

“I intend to die as an actor,” pag-aanunsiyo ni Butch on mike nang tanungin ng nagsilbing emcee na si Paolo Bediones what made him grab the offer.

Honestly, masaya kami para kay Tito Butch who—to us, is probably one of the most misunderstood people in showbiz.

Suplado, mahirap biruin, aloof. Ilan lang ito sa mga ‘di kagandahang katangiang nakikita sa kanyang panlabas. Pero ang inyong lingkod na ang magpapatunay, si Butch Francisco ay isang totoong tao sa mundong batbat ng pagbabalatkayo.

Aanhin natin ang taong sa harap mo lang nakangiti, pero nakabusangot naman kapag tumalikod na sa iyo?

Kaya sa ‘yo, Tito Butch, may your acting career flourish!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …