Dumaan sa intriga at katakot-takot na controversies ang friendship nina Piolo Pascual at Manila 3rd district Rep. Yul Servo.
Binigyan ito ng kulay at kung ano-anong makukulay na anekdota ang naisulat tungkol sa kanilang dalawa.
Sa isang okasyon ay tinanong ang actor/politician kung may communication pa sila ni Papa P.
“Minsan-minsan nagte-text kami,” he avers. “Noong nakaraang January, birthday niya, naka-tutuwa naman na sa distrito ko ginawa ang birthday niya.
“Parang binaba niya ‘yung ASAP tapos namigay siya ng Dunkin Donuts, Mega sardines, tapos groceries 5,000 na tao ang pinasaya namin noon, nakatutuwa.
‘Di raw sila madalas magkausap pero ‘yung friendship ay hindi nawawala.
Natutuwa raw si Yul kay Piolo dahil ‘di lang pag-aartista and focus nito. He is into business and at the same time, he’s got a foundation that’s helping students.
Lately nga raw, humingi siya ng tulong para sa kanyang mga batang scholar.
“Para ‘yun sa mga estudyante na sira ang sapatos, kasi medyo mahal ang mga sapatos, ‘di ba?” he intimates. “Tina-target namin, 200, kung puwede hanggang 1,000.
“Bibili lang kami ng sapatos, tapos hati kami or baka ‘yung mabibilhan namin ng sapatos big-yan pa kami ng diskuwento.
“Sabi ko naman sa kanya hindi ngayon, baka sa kalagitnaan ng pasukan.
‘Yung intriga sa kanilang dalawa ay tapos na at pinagdaanan na nila.
“Mas matured na kami ngayon, dati naman nalagpasan naman namin,” he avers. “Kami naman pure naman kaming magkaibigan.
“Wala akong itinatago sa pagkakaibigan namin.
“Nakita ko ‘yung sincere niyang pakikipagkaibigan at suwerte nga naming mga kaibigan niya, kahit ganoon siya kasikat e para maging kaibigan ka niya.
“Natural na sa artista ‘yung nai-issue ka, mahirap na kundi ka napag-uusapan, mas maganda na rin na napag-uusapan ka.
“Dito kasi sa showbiz pag ‘di ka napag-uusapan negative o positive, wala ka.”
Sabi ni Yul, ‘di raw apektado si Piolo sa mga intrigang nasulat sa kanilang dalawa.
“Ah wala, ‘di siya nahe-hurt,” he counters with a smile. “Siyempre curious rin ako bilang kaibigan niya.
“Actually, ako dito lang ako.
“Curious rin ako kasi lagi siyang tinitira, e ako naman ginawa lang akong pangbasag sa kanya, ‘di ba?
Di siya apektado.”
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.