Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wowowin, naapektuhan sa pagkawala nina Super Tekla at Randy

 

MARAMI ang nakakapansin na mukhang wala ng fire o init ng pagtatanghal ang programang Wowowin buhat noong nawala si Randy Santiago.

Parang biglang lumambot at lumamlam ang show ni Willie Revillame idagdag pa ang pagkawala rin ni Super Tekla na isa sa dahilan kung bakit click na click ang show ni Willie.

Nawala na ang mga patawa nitong hinahalakhakan ng mga manonood.

Maging sa studio audience na dating pahiga-higa pa sa flooring ng studio ay nawala na at hindi na umiindak ang karamihan.

Nasaan na nga kaya si Tecla?

Samantala, naikuwento ni Tekla na pinagsabihan umano siya na magpahinga muna kaya nakaramdaman ang komedyanta na parang nanlamig na ang pakikitungo sa kanya. Dati-rati raw kasi’y mainit ang pagtanggap sa kanya.

May mga komento namang kumakalat na lagi siya sa casino na agad naman niyang pinasinungalingan at sinabing naglalaro lamang siya ng bingo.

May nakapagsabi pang, paano makakapag-casino si Tecla gaydung hindi naman super laki ang budget na ibinibigay sa kanya sa Wowowin.

Iginiit pa ni Super Tekla na wala siyang balak balikan ang dating bisyo, ang droga dahil isinuma na niya ito. Sa hirap nga naman ng buhay na pinagdaanan niya, imposibleng maisipan pa niyang balikan iyon.

Payo lang namin kay Tekla, kung may pinutang nagsara, tiyak may bintanang magbubukas kaya huwag sana siyang mawalan ng pag-asa.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …