Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Iboykot ang Kamara!

 

WALANG nalalabing alternatibo si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kundi ang boykotin ang “fake hearing” ng House of Representatives na ipinatawag ni Rep. Rudy Fariñas kaugnay sa pagbili ng provincial government ng mga sasakyang pambukid gamit ang pera mula sa tobacco excise tax.

Malinaw na isang uri ng pamomolitika ang ginagawa ni Fariñas laban kay Imee na ang ta-nging layunin ay ipakulong ang gobernadora sa sandaling dumalo sa pagdinig ng Kamara. Tulad nang kinasapitan ng tinaguriang “Ilocos 6,” tiyak na bubulukin niya sa kulungan si Imee.

Kung nagawang i-hostage ni Fariñas ang Ilocos 6 hanggang ngayon, tiyak na gagawin din kay Imee. Ang pag-aakala kasi ni Fariñas, sa sandaling maipakulong niya si Imee ay tulu-yang maglalaho ang suporta ng mga Ilokano sa pamilya Marcos at maghahari na ang pamilya Fariñas sa Ilocos Norte.

Pero nagkamali si Fariñas, lalo kasing du-magsa ang suporta kay Imee ng mga kababa-yang Ilokano dahil na rin sa ginagawang panggigipit sa gobernadora at sa Ilocos 6. Halos pandirihan ngayon si Fariñas sa Ilocos Norte at mukhang sa kangkungan dadamputin sakaling tumakbo siya sa darating na eleksiyon.

Kaya nga, ilang organisasyon na ang na-nanawagan ngayon kay Imee na boykotin ang pagdinig sa Kamara. Sa pamumuno nitong si Obet Dela Cerna ng Katipunan ng Pilipinong Ma-kabayan, hinamon niya si Fariñas na sampahan ng kaso si Imee sa Ombudsman o Sandiganba-yan kung may matibay na ebidensiyang hawak laban kay Imee.

Kabilang din si Philip Terry ng Bayanihan Bayan Movers-Pangasinan Organization of Genuine Inhabitant at Buong Bansa Magkaisa Youth Movement na nananawagang iboykot na ni Imee ang nasabing pekeng hearing ng Kamara.

Sinabi ni Terry na trabaho ng Kamara ang gumawa ng batas at hindi ang ipakulong ang mga dumadalo sa pagdinig tulad ng nangyari sa Ilocos 6. Kabilang din si Harrold Toledana ng Buong Bansa Magkaisa Youth Movement na nananawagan kay Imee na huwag dumalo sa hearing dahil tiyak na bubulukin lamang siya sa kulungan tulad nang ginagawa ni Fariñas sa Ilocos 6.

Mukhang tagilid na ang political career nitong si Fariñas. Bumuhos na ang suporta ng mga Ilokano sa pamilya Marcos at mukhang tuluyang mag-aalsa sa ginagawang panggigipit ni Fariñas sa Ilocos 6 at Imee.

Kung tutuusin, parang bahag na ang buntot ngayon ni Fariñas, at ang lahat ng mga atakeng gusto niyang gawin laban kay Imee ay ipinauubaya na lang niya sa ibang mga kongresista. Sabi nga, matapang lang sa umpisa pero ‘pag pinalagan, takbo na!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *