ANG ika-anim na pagkalipol ng buhay, o sixth mass extinction of life, ay nalalapit nang maganap gaya ng sinasabi ng mga siyentista batay sa bilang ng biological annihilation ng wildlife sa ationg planeta, babala sa bagong pag-aaral.
Mahigit sa 30 porsiyento ng mga hayopp na may backbone — mga isda, ibon, amphibian, reptile at mammal — ay mabilis nang bumababa ang bilang ayon sa kanilang paglaganap at populasyon, nakalahad sa kauna-unahang global analysis ng nasabing mga kaganapan.
“This is the case of a biological annihilation occurring globally,” punto ni Stanford professor Rodolfo Dirzo, na co-author ng pag-aaral na nilathala sa journal na PNAS kamakailan.
Sa datos, hindi bababa sa 30 posiyento ng mga mammal ang naglho sa kanilang orihinal na habitat. Ang 40 porsiyento ng nasabing mga mammal —kabilang ang rhinoceros, orangutans, gorilla karamihan sa mga big cat — ang namumuhay na lamang nang bawas sa 20 porsiyento ng lupain na kanilang tinitirhan.
Napag-alaman sa pag-aaral na lubhang bumilis ang ‘loss of biodiversity’ kaya pinaniniwalaang malapit na ang mass extinction.
“Several species of mammals that were relatively safe one or two decades ago are now endangered,” dagdag ni Dirzo. Kabilang dito ang mga cheetah, leon at giraffe.
Sa average, dalawang vertebrate species ang naglalaho kada taon.
Tinukoy ang mga main driver ng wildlife decline sa habitat loss, overconsumption, polusyon, invasive species at paglaganap ng malulubhang sakit.
Nakatakda rin maging major threat o banta ang climate change sa susunod na mga dekada, na magreresulta pa sa paglalaho ng marami pang mga hayop, partikular ang popular na mga polar bear na sadyang naaapektohan sa pag-init ng mundo.
ni Tracy Cabrera