Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Sikat na aktres, minaliit ang tulong na ibinigay ng kaibigan

 

MAY kakaibang ugali pala ang isang sikat na aktres sa taong kung tutuusi’y dapat niyang pasalamatan, pero nakukuha pa rin niyang sumbat-sumbatan.

Eksena ito na nasaksihan mismo ng mga tao sa set ng ginagawa niyang proyekto. Isa sa mga naroon ang nagtanong sa kanya, kumusta na raw ang plano nitong mangibang-bansa para magpagamot?

Sagot ng aktres, hindi natuloy. Laking pagtataka ng nagtanong, napaano na raw ang tulong-pinansiyal ng isang matalik nitong kaibigan?

Bigla nag-iba ang timplada ng aktres. Nakasimangot nitong tugon, “Naku, nagpadala nga siya ng pera, kulang naman! Tutulong din lang, hindi pa nilubos-lubos!” sabay pakawala ng malulutong na mura patungkol sa kanyang kaibigan.

Ang hindi ine-expect ng hitad, bigla na lang sumulpot sa set ang kaibigang paksa ng kanilang diskusyon. Labis na ikinagulat ‘yon ng aktres, sabay nagtititiling sinalubong ang surprise visitor.

“Ay, Kuya (pangalan ng kaibigan niya), bakit ka napasugod dito? Naku, miss na miss na kita!” sabay yapos at halik nito sa dumating.

Da who ang aktres na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Cora Onofre.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …