Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadia Montenegro

Nadia, gusto nang pumayat sa susunod na serye

 

MAS gustong balikan ni Nadia Montenegro ang mag-produce kaysa pasukin ulit ang politika.

“Diyos ko, hindi. Wala akong balak na tumakbo ulit.

“Ang tagal ko nga siyang (yumaong ex-mayor Asistio) nilayo riyan, eh. Nauto nga ako saglit, ‘di ba? He!he!he! Tumakbo rin ako.. hehehe,” bulalas ng aktres.

Actually, nag-produce si Nadia ng concert ni Aiza Seguerra sa July 14, Friday, 8:00 p.m. sa The Lewis Grand Hotel, Angeles City entiled Aiza Goes Acoustic At The Lewis.

Gusto niya may araw-araw na pinagkakaabalahan dahil hanggang ngayon ay malungkot pa rin siya sa pagyao ng kanyang partner. Namatay noong February si Ex-mayor Asistio.

Bakit si Aiza ang napili niyang i-produce?

“Favorite ko ‘yun, eh! At saka madaling kausap,” sambit ng aktres. “Excited naman siya kasi matagal na rin siyang hindi nagco-concert ng malaki,” sey pa niya.

Mahirap ba ang mag-produce lalo na kung out of town?

“Hindi naman kasi ‘yun naman ang buhay natin, eh. Kahit naman sinong artista, sanay na mag-probinsiya, eh. At kung okey naman ang marketing mo at may crowd ang artist mo,” pakli niya.

Bukod dito, abala rin si Nadia sa seryeng The Better Half ng ABS-CBN 2. Kumusta sila sa taping?

“Naku, sobrang saya. Iba ‘yung kakulitan tapos si Rommel (Padilla) pa ang asawa ko. Tapos, nandoon pa si Carlo (Aquino) ang kulit din, Shaina (Magdayao), masaya sobra. Wala kasing arte ang mga ‘yun, eh,” sagot ni Nadia.

“Sobrang vibes kami ni Shaina. Kahit si Denise (Laurel), wala masaya,” sambit pa ng aktres.

Aminado si Nadia na nacha-challenge pa rin siya tuwing may bagong serye siyang ginagawa.

“Oo naman, hindi puwedeng paulit-ulit ‘yung hitsura mo, paulit-ulit ‘yung reaksiyon mo. Actually, dito sobrang pagod at nahirapan ang lahat … lalo na ‘yung emotions ng apat na ‘yun, ang hirap,” bulalas pa ni Nadia.

Kung siya ang nasa role ni Shaina, sino ang pipiliin niya, ‘yung dating asawa na akala mo’y patay na o ‘yung bagong asawa mo ngayon?

“Ang hirap. Kahit gustuhin ko kunwari roon ka sa unang asawa dahil wala namang kasalanan si Carlo, nagka-amnesia pagkagising naman niya, siya pa rin ang mahal kaya lang hindi na siya mahal, eh. Mayroon pero si JC na talaga,” tugon pa niya.

May role pa ba na gustong gawin ang isang Nadia Montenegro?

“Oo, ang dami, gusto ko nga sa susunod kong serye sana payat na ako,” saad niya.

Eh, ‘di wow!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …