Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake Zyrus, ‘di pa rin makawala sa tatak Charice Pempengco

 

KAHIT paano’y isinilang kaming may tenga para sa musika, mas madali naming malaman kung malayo sa tono ang pagkanta ng isang awitin perhaps like anyone else.

Nitong Sunday, panauhin ni Vice Ganda si Jake Zyrus sa kanyang late-night show na Gandang Gabi Vice.

Siyempre, inumpisahan ang guesting na ‘yon sa panayam kay Jake which culminated sa kanyang pagkanta. Curious nga naman ang publiko kung may nagbago ba sa timbre ng international singer lalo pa’t naging viral sa social media ang pag-awit nito ng Just The Way You Are na medyo hirap.

Sinadya naming paganahin ang aming tenga para pakinggan ang ngayo’y boses ni Jake. Una niyang kinanta ang Bakit Nga Ba Mahal Kita? na pinasikat ni Roselle Nava.

Ibang atake ang ginawa ni Jake, malayo sa original version nito.

Namumutiktik kasi ng mga kulot-kulot sa dulo ng bawat linya ng awitin.

Ang pinaka-finale song niya ay ang kanyang mismong kanta na pinamagatang Hiling, isa ring original song na binigyan ng kakaibang interpretasyon ni Jake.

Sa dalawang rendisyon ay kapansin-pansin na bahagyang hirap si Jake sa una niyang kinanta lalo na sa pag-sustain o pag-prolong ng tono. In between ay humuhugot siya ng hangin para madale ang matataas na nota.

Sa pangalawa’y kering-keri na ni Jake ang awitin, palibhasa siguro’y piyesa naman niya ‘yon. Also, nakapag-warm up na rin siya after singing her first song.

May nagbago man sa kanyang vocal range, pero para sa amin ay bahagya o slight lang ito. Nawala nga lang ang tatak-Charice Pempengco sa kanyang atake.

So there.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …