Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marc Cubales sumabak na rin sa pelikula

KILALA si Marc Cubales bilang international model, singer, producer ng mga show, businessman, at pilantropo. Maawain at matulungin ang London based model at may espesyal na puwang sa kanyang puso ang mundo ng showbiz.

Kaya naman hindi ako nagtaka nang pumasok na rin si Marc sa pag-aartista.

“May mga nagtatanong nga if mag-a-active raw uli ako sa showbiz. Tingin ko mas magiging effective and active ako ngayon sa showbiz.

“Dapat pauwi pa lang talaga uli ako ng UK, pero hindi natuloy dahil nga nagkaroon ako ng bagong opportunity dito. ‘Yung film na ang role ko ay napakaganda at gusto ko talaga ‘yung character, nakaka-challenge. Aside roon sa film tito, alam mo ba nag-aaral na rin ako ng short culinary course,” kuwento sa amin ni Marc.

Dagdag niya, “Kasi ‘yung shoot, sa Hong Kong talaga ‘yung base ng story, then ngayon kaya rin ako laging nag-a-out of the country, kasi ‘yung isang agent ko magaling sa pag-book ng mga artist abroad. Etong pagpunta ko sa Tokyo, kumanta lang ako for one night. Kaya nagte-take advantage na rin ako. I’m working and at the same time holiday na rin, bakasyon.

“Parehas na parehas lang din ten years ago ‘yung buhay ko, nag-e-enjoy lang sa work and business at hindi ko na nga tinitingnan ‘yung earnings ko. Basta thankful ako dahil continues ‘yung offer sa akin at maraming opportunities ngayon.”

Iyong pagmo-model mo, tumigil ka na ba o tuloy pa rin? Nami-miss mo ba ‘yung pagiging model?

“Hindi pa rin tito, last time nga was last month lang sa Bangkok. Siyempre mas gusto ko ‘yun, kasi roon talaga ako nakilala and nag-start. Kaya kapag may offer ay tinatanggap ko talaga agad. Bale year 2003-2008 ako nag-model sa Europe, kaya untill now, buti na lang na-maintain ko ‘yung connections ko roon,” aniya pa.

Sa ngayon ay papasukin na rin ni Marc ang restaurant business at sinabi niyang kakaiba ito dahil may pagka-international ang dating. Masyado raw magastos ayon sa kanya, pero naniniwala siya na positibo ang kahihinatnan nito gaya ng mga nauna niyang pinasok na business.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …