EXCITED pag-usapan ni Paolo Paraiso ang latest movie niya titled We Will Not Die Tonight na pinamahalaan ni Direk Richard Somes. Tampok dito sina Erich Gonzales, Jeffrey Tam, Alex Medina, Max Eigenmann, Sarah Abad, Thou Reyes, Marella Torres, at iba pa.
Naiibang action movie raw ito at madugo ang mga eksena rito. “We just finished shooting We Will Not Die Tonight, which made me fall in love with acting all over again,” panimula ni Paolo.
“Sa movie, ako ‘yung kontrabida na hahabol sa groupo ni Erich. Ako ‘yung leader ng gang. ‘Yung kuwento ng pelikula is, ‘yung group ni Erich ay pumunta sa teritoryo ko – nagkaatraso sila sa akin… hinabol ko sila. Lahat nang ito nangyari sa isang gabi,” esplika niya.
Paano mo ide-describe ‘yung movie at si Direk Richard?
Saad ni Paolo, “Yung mo-vie super high energy and fast paced. Sobrang grit and grind! Madugo… ma-action! But not the typical action na sanay kayo, kasi ay mas totoo ang labanan dito. If mapanood ninyo ang movie, halos mararamdaman ng viewers ‘yung sapakan.
“Matinding training ang kailangan sa ganitong klaseng pelikula, buti na lang hilig ko na talaga ang MMA, kaya naisama ko si Erich sa training for this.
“Bilib na bilib ako kay Direk Richard, alam niya ‘yung gusto niyang look for the movie sa simula pa lang. Importante rin sa kanya na may input kami sa mga character namin. Sinaba-yan niya kami sa journey namin as his characters. He actually let us play with the scenes. Pinapabayaan niya kami how to attack a scene, then he will give his notes if it works or not, tapos uulitin namin.
“Super proud kaming lahat sa ginawa naming pelikula, can’t wait to see it ourselves.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio