Sunday , October 1 2023

Isang taon kampanya vs droga tagumpay

INIINSPEKSIYON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makabagong baril na handog ng China, sa isinagawang turn-over ceremony ng “China’s Urgent Military Assistance Gratis to the Philippines” sa Clark Airforce, Angeles City, Pampanga. (JACK BURGOS)
INIINSPEKSIYON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makabagong baril na handog ng China, sa isinagawang turn-over ceremony ng “China’s Urgent Military Assistance Gratis to the Philippines” sa Clark Airforce, Angeles City, Pampanga. (JACK BURGOS)

BUKAS ay isang taon na sa panunungkulan bilang pangulo ng bansa ang dating alkalde ng Davao City na si Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa isang taon niya sa Malacañang masasabi natin na naging matagumpay ang kampanya niya laban sa ilegal na droga, ang pangunahing programa na inilatag niya noon pa mang nangangampanya pa lamang siya sa pagkapangulo.

Marami man ang pumupuna at hindi natutuwa sa ginawa niyang maigting na kampanya kontra ilegal na droga, kabilang ang mga kalaban sa politika, ang human rights advocates at mga dayuhang grupo, higit na marami naman ang nasisiyahan sa ginawa ni Duterte.

Kahit sinong mga magulang man ang tanungin, na noon ay natatakot para sa kanilang mga anak, naniniwala sila na mas ligtas na ngayon ang mga lansangan kompara noong mataas ang bentahan ng shabu sa kalye at naglipana ang mga drug pusher at user.

Dito lang sa Metro Manila, sinasabing 2.7 porsiyento o 47 ng 1,706 barangay rito ang drug-free na dahil sa maigting na Oplan Tokhang 1 at 2. Nasa 3,151 drug suspects ang napatay sa mga police operations at libo-libo ring sangkot sa ilegal na droga ang nagsisuko na.

Hindi man masabi na matagumpay si Duterte sa maraming aspekto ng kanyang panunungkulan, ang kanyang kampanya laban sa droga na pangunahing programa ng kanyang administrasyon, hindi maitatanggi na siya ay tunay na nagwagi rito.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *