Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Orlando Sol, hahataw sa promo ng kanyang album sa Visayas at Mindanao!

HAHATAW sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao si Orlando Sol bilang bahagi ng promo ng kanyang album titled Emosyon. Mula sa Star Music, may limang hugot songs sa album ni Orlando sa kompositor na si Jerwin Nicomedez.

Ang actor, model, at singer na si Orlando, miyembro ng Masculados group ay nagsisimula na talagang makilala bilang isang solo artist sa kanyang paglulunsad ng sariling album at pagbibida sa isang online romantic drama series na “Kailan Darating Ang Ayoko Na” na titulo rin ng carrier single ng album niya.

Maganda ang feedback ng naturang online series niya na kinalugdan nang marami, pati na ang mga bading. May kasunod kaya ito?

Saad ni Orlando, “Hopefully po, sana po mayroon pang kasunod. Hindi ko po kasi alam kung ano ‘yung plano pa ng Star Music, e dahil doon lang din po ako nagbabase.”

Anyway, ngayon ay nakatutok si Orlando sa promo ng album niya, partikular sa mga lalawigan sa South. Kuwento sa amin ng singer/actor, “Ang start ng promo ng album ko ay sa June 30, bale the whole month of July ito. Bale ang mga pupuntahan kong lugar ay sa Butuan, Cebu, Iloilo, Bohol, Dumaguete, at Davao.

“Actually, mayroon pa pero tentative pa iyong sa Bacolod. Ipo-promote ko roon ang album kong Emosyon.”

Una sa itinerary ni Orlando ang Mindanao dahil malapit daw sa puso niya ang lugar. Tubong Agusan del Norte kasi ang pamilya niya. Galing ang roots nila sa Remedios T. Romualdez Town.

Magkakaroon din siya ng radio tours at mall shows, una sa  Butuan City, tuloy sa Iloilo City, Cebu City, Dumaguete City at balik muli sa Mindanao para sa promo tour sa Davao City. Pagkatapos, tuloy na sa lalawigan ng manager at mentor niyang si Direk Maryo J. Delos Reyes, ang Bohol. Siyempre, sa Tagbilaran City ang promo ni Orlando.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …