NAGBANTANG ipakukulong din ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos oras na hindi dumalo sa susunod na pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa July 25 kaugnay ng imbestigasyon sa maanomalyang pagka-kabili ng P66.45 milyong halaga ng mga sasak-yan.
Nanatiling nakadetine hanggang ngayon sa Kamara ang tinaguriang ‘Ilocos Six’ na unang ipi-natawag sa unang imbestigasyon matapos tumangging sumagot sa mga katanungan ng mga mambabatas noong May 29 kahit ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na palayain sila. Kailan pa ba naging barometro sa pagsasabi ng katotohanan si Pimentel at ang mga kasamahan niyang mambabatas?
Simple lang naman para hindi maunawaan na ang katumbas na katotohanan na gustong marinig ni Pimentel at ng kanyang pangkat ay umamin ang Ilocos Six kahit under duress sa ipinaparatang na anomalya para maidiin si Gov. Marcos sa kaso.
Sila nga mismo ang nagsisinungaling at politika ang nakikita nating rason at si Gov. Marcos ang talagang puntirya kaya nakabilanggo sa Kamara ang Ilocos Six.
Wala siguro silang sapat na ebidensiyang hawak sa mga paratang nila laban kay Gov. Marcos kaya ginagamit na ‘collateral damage’ ang Ilocos Six.
Hindi Kamara ang sukatan sa pagsasabi ng katotohanan pagdating sa mga usapin ng ano-malya o iregularidad na nagsasangkot sa sinomang empleyado at opisyal ng pamahalaan.
Kung talagang may sapat na basehan ang Kamara laban kay Gov. Marcos ay sa Ombudsman nila ipaubaya ang pagbusisi sa mga hawak nilang ebidensiya.
Sakaling may dahilan na kasuhan si Gov. Marcos ay tanging Sandiganbayan lamang ang bahalang tumuklas sa hinahanap nilang katotohanan.
Walang ibang nakikinabang sa inaaksayang pera ng mamamayan at panahon ng Kamara sa Ilocos Six kung ‘di ang nag-aambisyong palitan sa puwesto si Gov. Marcos na ang termino ay magtatapos sa 2019.
TATAY NG MAUTE GAWING
MODELO SA FIRING SQUAD
TAMA lang na hindi pumayag sa alok ng te-roristang Maute na pagpapalaya sa binihag nilang pari kapalit ng pagpapalaya ng pamahalaan sa mga magulang ng magka-patid na demonyong naghasik nang walang katulad na kahayupan sa Marawi City. ‘Buti na lang ay ni hindi nagda-lawang-isip na tanggihan ng pamahalaan ang gustong mangyari ng mga terorista.
Sa laki ng pinsalang nilikha ng panggugulo ng mga animal na teroristang Maute ay sila pa ngayon ang may ganang maglatag ng kondisyon sa pamahalaan. Gusto pa raw na maging negotiator ng mga hindot ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa usapan ng pagpapalaya sa kanilang bihag kapalit ng kanilang mga magulang.
Kung tayo ang tatanungin ay mas mabuti pang gamitin na lang ng pamahalaan ang kapangyarihan sa ilalim ng Batas Militar.
Noong ideklara ni yumaong Pang. Ferdinand E. Marcos, ginawang modelo ng disiplina na hindi dapat pamarisan ang Chinese drug lord na si Lim Seng.
Binitay si Lim Seng sa pamamagitan ng Firing squad at parang orchestra na kinumpasan ang mga tulad niya kaya sabay-sabay tumigil sa pagkakalat ng ilegal na droga sa bansa.
Puwede rin gawin ng pamahalaan ang katulad na parusa habang umiiral ang Martial Law sa Mindanao.
Subukan kaya ng pamahalaan na gamitin ang kapangyarihan sa ilalim ng Marial Law at ang ama ng magkapatid na Maute naman na sinasabing founder ng kanilang grupo ang unahing isalang ng militar sa firing squad bilang patunay na walang compromise pagdating sa mga terorista.
Pakuhaan din ng live video, kung sakali, tulad sa karumaldumal na pagpugot sa ulo na malimit gawin ng mga teroristang grupo sa mga inosente nilang bihag.
Kung puwede nga ay tapyasan pa ng tainga o anomang parte ng kanilang katawan, isawsaw sa suka bago kainin, pagkatapos ng firing squad.
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])
KALAMPAG – Percy Lapid