Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garie Concepcion, proud sa pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa

IPINAHAYAG ni Garie Concepcion na proud siya sa pelikula nilang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa.

Ayon sa aktres, dapat panoorin ang kanilang pelikula dahil nagpapakita ito nang pagpapahalaga sa edukasyon.

Paano ide-describe ang pelikulang ito? Plus, excited ka ba dahil isang Cinemalaya entry ito?

Sagot ng singer/aktres, “Isa po (siyang) pelikulang dapat panoorin ng lahat, lalo na po ‘yung mga kabataan. Marami na po kasing mga bata ngayon na hindi na po binibigyan (na)ng halaga ang edukasyon. Isa po itong eye opener na pelikula. Kaya sana po ay suportahan ng lahat.”

Ang naturang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño. Ito ay tinatampukan nina Alfred Vargas, Mon Confiado, Loren Burgos, James Blanco, Kiko Matos, Lou Veloso, Marc Justine Alvarez, Miggs Cuaderno, Micko Laurente, Paul Sy, at iba pa.

Nabanggit din ni Garie ang excitement na nararamdaman dahil unang pagkakataon niyang nagkaroon ng entry sa annual Cinemalaya filmfest.

“Siyempre po excited ako kasi po first ever Cinemalaya film ko po ito. Minsan lang din naman po tayo makasali sa isang pelikula sa Cinemalaya, kaya po masaya naman po ako na nakapasa po ako sa audition.

“Nagpapasalamat po ako kay Direk Perry dahil nabigyan po ako ng pagkakataong makasali sa pelikulang Ito at sa Cinemalaya,” nakangiting esplika ng talented na anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna.

Nabanggit din ni Garie na napapanahon ang kanilang pelikula. “Napapanahon po talaga (siya) lalo na po ngayon na marami nga pong nangyayari sa Marawi. Napakalungkot pong isipin na totoo po (siyang) nangyayari, na may mga batang rebelde na hindi natuturuan (na)ng tamang edukasyon.

“Kaya nga po sana makanood po ang mga tao ng pelikulang ito upang malaman natin kung ano ang puwede nating gawin para sa mga batang rebelde.”

Ano ang masasabi mo kina Alfred at Direk Perry?

Saad niya, “I have nothing bad to say about them both. Unfortunately po, wala po kaming naging eksena ni Congressman Alfred. Pero bilang isang tao po, napakabait po niya. Ganoon din po si Direk Perry, very easy to work with and he guides his actors very well. Napaka-welcoming po sa set ni Direk and magaan po siya katrabaho.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …