Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maymay Entrata, sobrang thankful sa pagkakasali sa seryeng La Luna Sangre

SASABAK na si Maymay Entrata sa kanyang unang TV series. Ang PBB Big Winner ay bahagi ng La Luna Sangre na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Opo nag-taping na po kami. Basta huwag silang mag-expect masyado ng mga ano, ‘yung imortal ba ako o hindi, kasi baka maano lang sila… Basta masaya po ‘yung character ko rito,” nakangiting saad niya.

Wika ni Maymay, “Kaya sana abangan ninyo kami sa La Luna Sangre. Sobrang blessed po talaga dahil ibinigay po sa amin ang ganitong opportunity at tsaka sobrang bait nila sa amin kahit kami’y baguhan.

“Sobrang masaya po ako at ang dami ko na rin pong natutuhan agad-agad dahil sa sobrang magagaling ang mga artista na kasama ko po, ang dami nilang ibinigay na tips as in sobrang babait po nila.”

Sobra nga ang kagalakan ni Maymay sa magagandang nangyayari sa kanya ngayon. Bukod kasi sa pagkakaroon ng album at unang TV series, bibida na rin si Maymay sa pelikula very soon via Loving in Tandem. Makakasama niya rito sina Edward Barber at ang tandem nina Kisses Delavin & Marco Gallo.

Samantala, naging matagumpay ang launching recently sa self-titled album ni Maymay mula Star Music na ginanap sa SM Skydome. Kaya nabanggit ni Maymay na hindi niya inaasahan ang mga magagandang bagay na nangyayari ngayon sa kanya.

Pahayag ni Maymay, ”Noon po kasi, pachar-char lang, pa-compose-compose, pakanta-kanta, pero ngayon parang bigla lang ibinigay sa akin. Kaya masaya po ako, sobra talaga. Dahil po sa na-inspired sa buhay ko, siguro dahil din sa kanila, kaya natupad din ‘yung ultimate dreams ko rin.

“Noon po kasi may crush ako talaga, sobra, kaya lang kasi talagang crush ng campus po siya. Kaya hindi ko siya maabot-abot, kaya kino-compose ko na lang (ng kanta).”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …