Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Quan, sunod-sunod ang magagandang pelikula

TATLONG pelikula ang sunod-sunod na either tinatapos o katatapos lang gawin ni Richard Quan. Ang kagandahan nito para kay Richard, pawang magaganda at maituturing na importante ang tatlong pelikulang ito.

Ang una ay The Spider’s Man na tinatampukan nina Richard at ng directior din nitong si Ruben Maria Soriquez. Ang pelikulang ito ay magkakaroon ng International release.

Ang dalawa pa ay Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ni Direk Mes De Guzman. Ang naturang pelikula ay isa sa entry sa darating na Cinemalaya 2017 at tinatampukan ng Megastar na si Sharon Cuneta. Ang ikatlong movie ni Richard ay Citizen Jake na pinamamahalaan naman ng batikang direktor na si Mike de Leon.

Pahayag ni Richard, “Three important films ito ha, una ay ‘yung The Spider’s Man na kaming dalawa ni Direk Ruben Maria Soriquez ang bida. Bale second time ko nang makasama si Direk Ruben, una ay ‘yung sa Of Sinners and Saints na parehong siya ang nag-direk.

“Iyong isa naman ay itong Citizen Jake na ang director ay si Direk Mike de Leon. Ang kasama ko sa movie ay sina Atom Araullo, Max Collins, Gabby Eigenmann, Cherie Gil, Luis Alandy, Ana Luna, Teroy de Guzman. Bale ang role ko, nagtatrabaho ako sa anak ng isang senador na may kapatid na congressman, ako ‘yung hitman ng pamilya. Smooth sailing sana, hanggang may dumating na problema. Ang pelikula I think, it’s a drama, suspense, thriller. Ang gagaling ng mga kasama ko rito…

“Iyong third naman, Cinemalaya entry iyon, ‘yung Ang Pa-milyang Hindi Lumuluha. Ako ‘yung asawa ni Sharon na babaero roon.”

Dagdag ni Richard ukol kay Sharon, “Hindi ko lang siya first time nakatrabaho, first time ko rin siyang ma-meet sa shooting nito. Sa tagal ko na sa industriya, never kaming nagkita, hindi ko siya na-meet. Kakaiba ‘yung material nito, it’s a dark comedy na hindi siya ‘yung usual na dark comedy, hindi usual Sharon Movie. Kaya very happy ako na nagawa ko ‘yung project na yun.”

Ipinahayag din niyang noong simula ay na-intimidate raw siya kay Sharon. “Noong first scene namin ni Sharon siyempre may kaun-ting intimidation, medyo fan ako e, fanboy ako e. Siyempre noong lumalaki ako ‘no, si Sharon ‘yun e, fan ako ni Sharon. ‘Tsaka Megastar ‘yun. Alam mo noong first time kong na-meet si Sharon, malayo pa lang parang first time na mami-meet ko na siya, pinagpapawi-san ako. Maririnig mo ‘yung halakhak niya, ‘yung halakhak pa lang mare-relax ka na, e.

“When I approached her, nagpakilala ako… kasi mararamdaman mo sa tao ‘yun e, tayo mararamdaman natin kung totoo, kung warm o hindi. Mararamdaman mo ‘yung warm na pagtanggap niya, so na-relax na ako roon.

“So, bilang propesyonal na aktor, on a personal level, me-morable ‘yung experience.

Kasi maayos silang katrabaho e, from Direk Mes to Sharon, magaan e. Magaan ‘yung set. ‘Yun ang word of the day for Pamilya… sobrang gaan.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …