Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Luna Sangre, humataw agad sa ratings!

NAGSIMULA nang umere last Monday ang pinakahihintay na fantasy seryeng La Luna Sangre na tinatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang serye ay pagpapatuloy ng dating TV series nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na Imortal.

Sa pilot episode ay ipinakita sina Lia (Angel) at Mateo (John Lloyd) na namumuhay bilang mga ordinaryong tao na lamang sa isang baryo, kasama ang anak nilang si Malia (Kathryn). Nagulat sila nang biglang may sumulpot na isang lobo (wolf), na si Baristo (Joross Gamboa) pala na mapagkakatiwalaang kaibigan nila.

May ipinakita rin ditong parang flashback si Direk Cathy Garcia-Molina para hindi malito ang ngayon pa lang manonood ng serye. Sinimulan niya ito sa Lobo nina Piolo Pascual (Noah) na normal na tao at nagkagusto sa isang lobo na ginampanan naman ni Angel (Lyka) hanggang naging Imortal na ginampanan naman nina John Lloyd bilang Mateo at si Angel ulit, as Lia/Lyka.

Idinaan ito sa kuwento ni Joross sa mga batang lobo.

Anyway, base sa naturang episode, tiyak na indikasyon ito na hahataw nang husto sa ra-tings ang bagong serye ng Dos. Umarangkada kasi agad ito na nakakuha ng 33.9% rating laban sa 13.8% lang ng My Love From The Star ng GMA-7. Ito’y base sa Kantar Media. Actually, kahit sa AGB Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ratings na sinasabi ng iba na maka-GMA-7 daw, panalo pa rin ang La Luna Sangre na nakakuha ng 11.5%, kontra sa katapat nitong show sa Kapuso Network na 8.7% rating.

Kaya sure akong happy ang maraming KathNiel fans dahil kahit hindi pa sumusulpot ang kanilang mga idolo ay winner na winner na agad ang kasisimulang serye ng dalawa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …