Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jovit, nakiusap: ‘wag siyang husgahan

NAKIKIUSAP na ang singer na si Jovit Baldivino, na sana naman bago maniwala ang mga tao sa mga paninira sa kanya ay mag-isip naman muna kung ano ang mabuting ginagawa niya. Iyan ay may kinalaman sa mga pagbubuyangyang na ginawa ng dati niyang girlfriend na si Shara Chavez.

Ang akusasyon ni Shara, ang kinikita ni Jovit ay inuubos lamang sa kanyang pagsasabong. Basta may show, kinabukasan takbo na agad sa sabungan. Isinusumbat pa ni Shara na nang ipanganak niya ang anak nilang si Akeya, ni pambayad sa ospital hindi nagbigay si Jovit na nangatuwirang ang pera niya ay naipautang niya sa isang tiyuhin. Kaya iyong savings ni Shara na kinita niya sa kanyang mga negosyo on line, iyon ang naibayad sa ospital na ni hindi ibinalik ni Jovit.

Lumantad na ngayon nang ganyan si Shara dahil nababalita nga na may iba na namang girlfriend si Jovit.

Pero siguro dapat namang asahan ni Shara iyan dahil hindi naman sila kasal. Bago siya, may anak na si Jovit sa naging girlfriend din niyang si Laurice Khaye Bermillo, na nasa Canada na ngayon.

Dahil ginawa nga ni Shara ang kanyang expose sa pamamagitan ng kanyang social media account, natural marami na ngayong bashers si Jovit, na nagsasabi namang huwag maniwala agad sa lahat ng kanilang naririnig. Pero hindi diretsahang pinasinungalingan ni Jovit ang mga sinasabi ni Shara.

Ito naman ang masasabi natin diyan. Si Baldivino ay isang singer. Binabayaran siya dahil sa kanyang pagkanta, hindi dahil sa ano pa mang dahilan. Basta ba hindi naman nasisira ang kanyang boses at nakakakanta pa rin, wala na tayong pakialam kung ubusin man niya ang pera niya sa sabong, o kung ilan pa ang maging girlfriends niya. Iba iyong personal na buhay doon sa professional niyang trabaho eh. Ibang klase naman iyan kaysa roon sa hindi na makakanta at nasira ang boses kalalaklak ng alak at pagsasabog at paggamit ng droga. Iyon ang talagang kasumpa-sumpa na.

Iyang away ni Jovit at ng kanyang naging girlfriend, pati na ang sustento sa kanilang anak, personal na nila iyan. Huwag na nating panghimasukan iyan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …