Monday , December 23 2024

Binay at Mercado nagkabati na raw

00 Kalampag percyNAGKABATI na raw sina dating vice president Jejomar Binay at si dating Makati vice ma-yor Ernesto Mercado, ayon sa balita.

Sino ang mag-aakala na may pag-asa pa palang magkasundo ang dalawa matapos magkalabasan ng mga itinatagong baho sa Senado, tatlong taon ang nakararaan?

Ang hidwaan sa pagitan nina Binay at Mercado ay maituturing na isa sa pinakamalupit, kung ‘di man pinakamarahas, sa kasaysayan ng politika.

Naunsiyami ang pinakamimithing ambisyon ni Binay na maging pangulo ng bansa at halos ikamatay ang mga pagbubulgar ni Mercado sa im-bestigasyon ng Senado noong 2014.

Parang sa pelikula lang mapapanood at mababasa sa komiks na magkakabati pa ang dalawa.

Pero sabi ni Binay, napatawad na raw niya si Mercado.

Umamin naman si Mercado na pinagsisisihan ang pagbubulgar niya sa mga katiwalian ng da-ting amo.

Kuwento ni Mercado, may mga gabi na napapabangon daw siya sa higaan at napapaluha noong kasalukuyan pang tumatakbo ang imbestigasyon ng Senado sa mga katiwalian na kanyang ibinulgar laban sa pamilya Binay.

Ilan sa matatandaang ibinulgar ni Mercado ang P16 bilyon na tagong yaman ni Binay at ang 350-hectare agriculture estate sa Rosario, Batangas.

Santambak ang binubunong kaso ngayon ni Binay at ng kanyang pamilya sa Sandiganbayan bunsod ng iba pang nabulgar na anomalya.

Siyempre, ang agad na itatanong ng marami ay kung may epekto sa pagkakabati nila ang mga kasong kinakaharap ni Binay at ng kanyang pa-milya sa Sandiganbayan.

Dahil hindi maliwanag kung paano nagkasundo sina Binay at Mercado, tiyak na marami ang magdududang ‘areglohan’ ang talagang nangyari para maabsuwelto sa mga kinakaharap na kaso ang mga Binay.

Malaking kalokohan naman yata na akusahan pa rin ni Mercado ng pagnanakaw ang pamilya Binay kung nagkasundo na pala sila.

Hindi natin minamasama ang pagkakasundo dahil mainam sa sinomang may hidwaan ang magpatawaran.

Ang problema, pagnanakaw sa pera ng taongbayan ang isyu rito at hindi basta karaniwang hidwaan lang sa pagitan ng dalawang tao.

Wala na tayong pakialam kung magkasundo man sina Binay at Mercado, hangga’t hindi kasamang naikompormiso ang malaking kasalanan sa bayan na dapat panagutan ng pamilya Binay.

Ngayong nagkabati na sila, kasama kayang maibalik ang tiwala nila sa isa’t isa?

LIGAYA SANTOS CONVICTED

NAHATULANG guilty ng hukuman ang isang kontrobersiyal na barangay chairman ng Lawton, Maynila nitong nakaraang buwan.

Ayon sa miron, nataranta si Bgy. 659-A Chairman Ligaya V. Santos at hindi magkandatuto nang hindi inaasahang guilty ang ibababang hatol sa kanya ng Manila Regional Trial Court Branch 41 sa Crim. Case No. 15-319156-57 na may petsang May 31, 2017.

Si Santos ay kinasuhan ng isang security guard na kanyang siniraan at ininsulto sa dalawang magkahiwalay na pahayagan, ilang taon ang nakararaan.

Ang malungkot lang, nadamay pati ang pahayagan na ginamit lang ni Santos sa kanyang personal na paninira at pang-iinsulto kayAlvin B. Velasquez.

Si Velaquez na isang pribadong tao (private person) ay pinersonal at tinawag na barumbado, hunghang, bastos, arogante, at hambog ni Santos sa kanyang napalathalang kolum sa pahayagan.

Sa pagkataranta matapos marinig ang hatol sa kanya ng hukuman, agad daw nilingon ni Santos ang paligid habang nagtatanong kung saan daw siya magbabayad. Hahaha!

Ang nakatutuwa, halos magkasabay ibinaba ang 90 days preventive suspension na ipinataw ng Department of Justice (DOJ) kay Manila Chief Prosecutor Edward Togonon at ang hatol ng RTC kay Santos.

Hindi ba Karma ang tawag diyan?

Santisima!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *