Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz, walang pretensiyon sa kung ano ang naabot sa pag-aaral

IPINASILIP ni Ogie Diaz ang pabalat—harap at likod—ng librong sa wakas ay mayroon nang pamagat: Pak! Humor (subtitled Every Gising Is A Blessing).

“Hindi ba bastos?” pagso-solicit ni Ogie ng aming take on the title.

Kung bibitinin kasi ang pagbigkas ng last syllable na “mor” ay katunog ito ng mura sa wikang Ingles.

Pero para sa amin, the shorter, the catchier, the better. Mas madaling matandaan. Mas may impact.

Sa back cover naman nito’y ang karaniwang brief profile, ang ”About the author.” Umpisang linya pa lang ay walang halong pretensiyong inamin ni Ogie kung anong antas lang sa high school ang kanyang natapos.

Gusto sana naming buweltahan si Ogie, ”Sure ka, ‘Teh? Baka naman gumradweyt ka sa Angelicum, kiyeme-kiyemeng undergraduate ka para bumenta lang ang libro mo, ha?”

Oo naman, sino ba namang nangahas magsulat ng aklat ang hindi naghahangad na bumenta like the proverbial hotcakes ang kanyang gawa? Pero higit doon ang habol ng aming kumpare.

Kalakip kasi ng aklat ni Ogie ang layunin—kundi man ang adbokasiya—na maglaan ng tulong para sa mga breast cancer patients. Matagal nang aktibong kasapi si Ogie sa Breast Cancer Foundation, at sa libro nga niyang Pak! Humor nang kaangkla ang karagdagang maitutulong pa niya sa mga programa nito.

One hundred at ninety nine pesos lang ang halaga ng bawat sipi ng libro, na pinatawa’t pinagaan na ang iyong ligalig na kalooban ay nakatulong ka pa sa ngalan ng kawanggawa.

Pero, ‘Teh Ogie, wa etching, ‘di ka nga ba tapos ng high school…?Ayaw ni Sarah Geronimo ng ganyan!

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

Janus del Prado Carla Abellana cake

Janus anong problema kay Carla? 

I-FLEXni Jun Nardo MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang …

Showbiz career ni Pearl Gonzales, tuloy sa paghataw ngayong 2026

AFTER mapanood sa “Manila’s Finest” na entry sa 2025 Metro Manila Film Festival ng MQuest …

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …