BUTI pa ang plaka, katanggap-tanggap na maging paulit-ulit kapag sira, kasi ibig sabihin no’n puwede nang itapon.
Pero ang Metro Trail System (MRT) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), kung paulit-ulit ang pagkasira, paulit-ulit din ang prehuwisyo sa mga komyuter.
Prehuwisyo sa maraming aspekto.
Prehuwisyo sa trabaho, sa oras, sa buhay ng bawat pasahero at higit sa lahat prehuwisyo sa buong sistema dahil hindi nakapaglilingkod nang tama batay sa layunin nito na maging pangunahing pang-masang transportasyon sa bansa.
Aba, narinig ba ninyo ang rason ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez noong masira ang MRT noong isang linggo?
Mas mabuti na raw ‘yun kaysa may magbuwis ng buhay.
Wattafak!?
Napakainam na defense mechanism Mr. USEC!
USec. Chavez Sir, palagay naman natin ay nakapagbiyahe na kayo sa ibang bansa at nakita naman ninyo kung gaano ka-efficient ang trail system nila, lalo sa Europe.
Ganoon din sa China, Hong Kong, Japan, at iba pang bansa na gumagamit ng rail system.
Malaking serbisyo sa kanila ‘yan, dahil halos lahat ng mamamayan sa kanila, ‘yang rail system ang ginagamit.
Kaya kapag nagkakaroon ng aberya ang rail system sa kanila, sa sobrang kahihiyan, kung hindi nagpapakamatay e nagbibitiw agad sila sa kanilang trabaho.
Pero rito sa atin sa Filipinas, pakapalan lang ng apog — katakot-takot at hindi matapos-tapos ang aberya ng MRT at LRT — nakapangangatuwiran pa!
“Mas mabuti na ‘yan kaysa magbuwis ng buhay!”
Wattafak!?
Sarap manapak ‘di ba?!
Palibhasa hindi sila sumasakay sa MRT kaya hindi nila maramdaman ang prehuwisyong idinudulot ng ‘laging nasisirang MRT.’
Sonabagan!!!
USec. Cesar Chavez Sir, dapat kung wala kayong magandang sasabihin, itikom na lang ang bibig.
Mag-isip ka kung paano tatapusin ‘yang walang katapusang pagkadiskaril ng MRT, ‘wag dakdak nang dakdak!
PULIS NA WALANG ARMAS SA NAIA TERMINALS
NANGANGANIB ang halos 200 bagong rekrut na pulis (PNP-ASG) na itinalaga sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan ng armas.
‘Yan ang sentimyento ng mga miyembro ng Aviation Security Group (Avsegroup) sa Airport lalo na ngayong mahigpit ang kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
Mantakin n’yo naman, maghapon silang nasa airport at nakasuot ng uniporme ng pulis, complete uniform, pero walang baril.
E kung matiyempohan sila ng mga kriminal at terorista gaya nang nangyari sa Resorts World Casino (RWM), ano ang gagawin nila?!
Ipormang baril ang kanilang mga daliri na parang nakikipaglaro nang baril-barilan sa mga terorista at kriminal?!
Wattafak!?
Sabi nga ng mga pulis-AVSEG, napakabait ng Diyos dahil isang taon nang walang patid na pinakikinggan ang kanilang dasal na sana’y huwag silang matiyempohan ng masasamang-loob, dahil kung hindi dalawang bagay lang ang kanilang mapupuntahan — ospital o sementeryo.
Inamin naman daw ng Philippine National Police (PNP) na mayroon silang shortage sa service firearms at libo-libong pulis ang wala pang armas sa kasalukuyan.
Nabatid na ang budget para sa gun procurement ng 12,268 units caliber 9-milimeter pistols ay ibinaling na pambili ng police patrol jeeps, Crime Data Processing System at Automated Fingerprint Identification System ng nakaraang administrasyon.
Noong isang taon, iginiit ni Senator Ralph Recto ang probisyon sa 2017 National Budget na maglaan ng pondong pambili ng armas para sa 16,000 ‘gunless’ policemen.
Sa ulat ng Commission on Audit (COA) nabatid na 16,140 kagawad ng PNP ang walang service pistol. Ang 623 police officers ay gumagamit ng donasyong armas habang ang 3,654 pulis ay hindi alam kung nabigyan na ng armas.
Tsk tsk tsk…
Nakapagtataka pa ba kung bakit demoralisado ang mga pulis natin na biktima ng kawalang pagpapahalaga ng nakaraang administrasyon?!
By the way, tinalo pa kahapon ng mga security guards na may bitbit na shotgun at automatic rifle sa NAIA ang ating mga pulis.
Omeygad!
Kaya naman pala ganoon na lamang ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa kapakanan ng ating pulis dahil nakikita niya ang tunay nilang kalagayan.
Sana’y huwag nang ipitin ni Secretary Benjamin joke-no ‘este Diokno ang budget para sa armas ng ating mga pulis…
I-release na ‘yan!
DOBLE TARA BAGMAN, TIRADOR DIN NG SIDECAR BOY?!
BOSS Jerry, tirador ng sidecar boy diyan sa Pritil ‘yang si alyas TATA O.G. pag nahuli niya trike driver sinususo nya. Bakla ‘yan positive.
+63916742 – – – –
REKLAMO NG SENIOR CITIZEN SA SM CINEMA SAN LAZARO
Good morning Ser Jerry, complain ko lang management ng cinema sa SM San lazaro. Ang haba lagi ng pila ng senior citizen ng free movie tapos nagpapasingit pa ng kakilala nila. ‘Di ba magawan ng paraan ng SM management ‘yan? Kawawa kaming mga senior citizen.
+63916119 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN ni Jerry Yap
About Jerry Yap
Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)