Thursday , December 26 2024
Liza Soberano karaoke 2

Pagkanta, kakarerin na ni Liza

SI Liza Soberano ang kinuhang ambassadress/endorser ng Megapro Plus and Megasound Karaoke/Videoke.  First time na nagkaroon ng endorser ang nasabing produkto sa loob ng isang dekada na nito sa market.

“I am actually really happy to be endorsing a karaoke brand because I actually very passionate about singing. And I wanna share that passion with my fans and other people who will be able to see this new brand Megapro Plus and, Megasound. And I want them to be able to become confident as well to be..you know…just to have fun to and sing along with the karaoke. It’s not necessary naman that you are professional to be singing. Anybody can sing,” sabi ni Liza nang makausap namin.

Dahil endorser na si Liza ng isang karaoke brand, sa tingin niya ba, ito na ang magiging way para magkaroon na rin siya ng album?

“Actually before pa lang, nagplano po akong magka-album, kaya lang hindi po ‘yun matuloy-tuloy because I’m been busy with other things. And gusto ko po, ‘pag nag-album po ako, matutuhan ko po ang lahat. And I wanted to be like the other side of me, really sings something that I’m passionate about. So I would be very hands on on it. So ‘yun, hindi pa nagagawa. Hopefully sometimes soon, when I’m a little bit free,”

How do you find Megapro Plus?

“Il like it because there are a lot of modern and new songs. And also the quality of the machine mismo, it’s very good. The voice you can hear, very clearly. And also the display pictures because ‘di ba sa karaoke there’s videos? They have Victoria secret angels. That’s my favorite,”  natatawang sabi pa ni Liza.

HANDA NANG
MAG-TWO-PIECE
PARA SA DARNA

Samantala, si Liza ang napili ng Star Cinema para gumanap sa muling pagsasapelikula ng iconic Pinoy heroine na Darna. Karamihan sa mga nauna nang gumanap na Darna ay hindi ang mismong boses nila ang ginamit kapag isinisigaw na ang Darna, kundi isang singer. Pero sa kaso ni Liza, mas gugustuhin ba niya na ang sarili niyang boses ang  gamitin kapag sisigaw na siya ng Darna?

“If they will tell me na ako talaga ‘yung sisigaw ng ‘Darna’, then I wil do it,” sagot ni Liza.

Pina-practice niya na bang sumigaw ng Darna?

“Hindi  ko po siya pina-practice. Nahihiya po ako sa sarili kong i-practice siya, kasi hindi ka pa po alam kung paano ‘yung tamang way talaga.”

Handa na ba siya sa two-piece outfit ni Darna?

“Well, of course, whatever is approved by the management, ‘yun po ang susuutin ko. Bit if I were to choose anything naman actually, as long as I’m prepared for it.”

Kung okey na sa kanya ang magsuot ng two-piece sa pelikula, isa ba itong indication na nagma-mature na siya?

“Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year. So I think it’s about time na naman.”

Isa sa preparations ni Liza para sa Darna role ay nag-a-undergo siya ng dance lesson.

“For grace and timing po. And siyempre personal ko na rin ‘yun so at least I can dance good for ‘ASAP’.”

Ano ang naging reaksiyon ng ka-loveteam niyang si Enrique Gil na siya ang napiling Darna ng Star Cinema?

“Before noong may news coming out na isa po ako sa pinagpipilian para gumanap na ‘Darna;, he didn’t think that it was going to be me. Because sabi niya, baby pa ako. So, imposibleng mag-two piece ako. But then, when he found out, he was supportive naman.  He said, ‘kaya mo yan’. Now, sinasamahan niya rin ako sa pagwo-work out.”

ENRIQUE BILANG
SI CAPTAIN BARBELL

Kung si Liza ang bagong gaganap na Darna, may balitang gagawin naman ni Enrique ang Captain Barbell na isa ring Pinoy superhero.

Ayon kay Liza, kung totoo man ;yun ay magiging masaya siya para kay Enrique.

“That would be good. I think bagay siya sa role naman. Ang laki ng katawan ni Quen, eh,” natatawang sabi ni Liza.

Si Edu Manzano ang gumanap na Capatain Barbell noon sa pelikula. May cameo role roon si Sharon Cuneta bilang si Darna. Noong nagkita sina Sharon at Liza ay nagpa-selfie ang una sa huli. Bilang gumanap na rin na Darna si Sharon, may ibinigay ba itong payo sa kanya as the newest Darna?

“Hindi pa po yata niya alam noong nagkita kami, wala naman po kasi siyang sinabi sa akin. That was the day na nag-announce sila (Star Cinema) na ako ‘yung ‘Darna’. But I watched her interview sa ‘Magandang Buhay’ or ‘GGV’ yata ‘yun. Tapos ayun, parang supportive naman siya sa akin. I’m very happy that Ms. Sharon Cuneta is very supportive of me. And she’s very sweet. ‘Pag nagkikita kami she kisses and hugs me. And tells me how much she loves me. I love her too.”

Sa mga stunt na gagawin niya sa Darna, hindi ba niya iniisip na magpa-double?

“As much as possible, no!  I wanna do all my stunts. And ang hirap din kasi ‘pag dadayain. But if it becomes life threatening, of course I’m gonna have someone do that for me, cause I don’t wana risk my life naman.”

MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *