Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joyce Peñas, bilib kay Aiko Melendez sa New Generation Heroes

PROUD ang newcomer na si Joyce Peñas sa kanilang pelikulang New Generation Heroes. Inilarawan niya ito bilang isang makabuluhang pelikula na dapat mapanood lalo na ng mga guro at estudyante. Isa itong advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to proper education, pagpapahalaga sa mga guro, at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo.

Based sa true events, ito ay nagpapakita ng apat na klaseng guro na may kanya-kanyang kuwento. Makikita rito sina Salvacion Fajardo, Gener, Lolita at Cora, ang apat na indibidwal na humaharap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay. Kung paano sila magpapakita ng katatagan ay siyang titimbang sa kanilang pagkatao. At kung paano sila gumawa ng desis-yon sa bawat pagsubok ay si-yang sasalamin kung paano sila hinubog ng pa-nahon at mga leksiyon  na natutuhan sa buhay, sa  kabila ng kanilang pagiging ordinaryong tao, ay matatawag din silang mga bayani ng makabagong henerasyon.

Sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez at mula sa Golden Tiger Films, ito’y tinatampukan nina Anita Linda, Aiko Melendez, Jao Mapa, at introducing si Ms. Joyce na isang model at fashion and jewellery designer.

Ipinahayag ni Ms. Joyce ang saloobin sa movie nila. “I prepared myself mentally and physically and I studied my lines and my role. Nag-enjoy ako sa experience na ito, ang um-acting, kasi bata pa lang ay pangarap ko talaga iyon, e.

“Maganda iyong movie, kaya ko ito tinanggap. It’s about four different teachers at ‘yung experiences nila. I think, iyong mga manonood ay may matututuhan dito. It is something that you will always remember, it is something that they will treasure.”

Ano ang masasabi niya kay Aiko as an actress?

Saad ni Ms. Joyce, “Ang galing niya, napakagaling niya. I really admire her a lot, she’s a very, very good actress. Nag-i-internalize lang siya, kaya na niyang umiyak agad, ang ga-ling ni Aiko.”

Hindi ba siya na-intimidate kay Aiko dahil bukod sa award-winning actress ay beterana na rin sa pag-arte? “Hindi, mabait kasi siya kaya hindi ka mai-intimidate sa kanya. Very supportive siya at mabait… and inalalayan niya ako sa movie. Si Aiko ang madalas kong kaeksena sa movie, e.”

Ang iba pang tampok sa pelikulang New Generation Heroes ay sina Gloria Sevilla, Dexter Doria, Debraliz Valasote, Rob Sy, Alvin Nakasi, Aleera Montalia, JM del Rosario, Andrea Kate Abellar, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …