NAGPASALAMAT si Ryza Cenon sa kanyang Instagram account sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Viva Artists Agency. Pumirma siya ng five-year exclusive managerial contract.
Nilayasan ni Ryza ang GMA Artist Agency, pero idiin niyang mananatili siyang artista ng Kapuso Network. ‘Yun ang napagkasunduan nila ng VAA at ipinaglaban niya bago siya pumirma ng kontrata.
Tinatanaw ni Ryza ang malaking utang na loob niya sa GMA 7 dahil dito siya nagsimula mula nang maging Ultimate Female Survivor siya ng StarstruckSeason 2. Career move lang para sa aktres na magpalit ng mamamahala sa kanyang career.
Nilinaw din ni Ryza na walang kinalaman ang boyfriend niyang si Cholo Barrettosa ginawa niyang desisyon. Hindi ito influence ng bf. Never nakialam si Cholo pagdating sa career niya.
“Sarili ko itong desisyon. May kanya-kanya pa rin naman kaming desisyon,” deklara niya.
Sey pa ni Ryza, gusto niyang mag-explore. Parang ibang level naman na from high school ay college na siya.
Actually, noong February 2017 pa nag-expire ang kontrata niya sa GMAAC pero pinag-isipan niyang mabuti kung subukan naman niya ang ibang talent management. Hindi naging madali sa kanya na basta na lang iwanan ang GMAAC. Maayos siyang nagpaalam.
Mariin pang sinabi ni Ryza na gusto niyang gumawa ng maraming pelikula after niyang magbida sa Ang Mananananggal sa 32-B na inilahok sa QCinema Film Festival at naniniwala siyang maibibigay ng Viva Films ito sa kanya.
Napansin ang husay ni Ryza sa seryeng Ika-6 Na Utos bilang si Georgia, kontrabidang kabit at kaalitan ni Sunshine Dizon para kay Gabby Concepcion. Pinaniniwalaan na masusundan pa sa GMA 7 ang malaking break at markadong role na ibinigay kay Ryza kapag natapos na ang seryeng ito.
TALBOG – Roldan Castro