Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagmamahal sa pamilya, mangingibabaw sa pagtatapos ng My Dear Heart

HANGGANG sa huli ay patuloy na magbabahagi ng mga aral ukol sa pamilya, pagmamahal, at pagpapatawad ang teleseryeng My Dear Heart. Sa pagtatapos nito, maraming nag-aabang sa magiging kapalaran ni Heart na ginagampanan ng batang si Nayomi ‘Heart’ Ramos.

Hinangaan at kinapulutan ng aral ang serye dahil sa kuwento ng bawat karakter nito, tulad ni  Margaret (Coney Reyes) na matapos ang paghaharap nila ng mortal ni-yang kaaway na si Albertus (Robert Arevalo), pinatunayang walang bagay o yaman ang makapapantay sa pamilya.

Bukod pa roon ay ipinakita niya na posibleng magbago ang isang tao dahil sa pagmamahal sa pamilya at pagtanggap ng mga pagkakamali.

Nagsilbing magandang ehemplo sa kabataan si Heart dahil sa pagkakaroon niya ng busilak na puso, na siyang pinagkukunan ng lakas ng kanyang pamilya. Instrumento rin si Heart upang baguhin ang mga tao sa kanyang paligid, at nagbigay-inspirasyon upang ma-ngibabaw ang pagmamahal sa kanilang mga puso.

Hindi naging rason ang mga pagsubok kina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) upang sumuko. Nanatili silang matatag at puno ng pasasalamat sa Diyos sa kabila ng lahat ng pagsubok na kanilang hinarap na siyang naging inspirasyon sa mga manonood. Naging manhid man dahil sa kanyang naging karanasaan sa nakaraan, mu-ling lumambot ang puso ni Gia (Ria Atayde) para sa kanyang anak, at ibinigay ang lahat ng kaalaman at pag-aaruga upang mapagaling at mapabuti ang ka-lagayan nito.

Samantala, dahil sa mga aral na ibinabahagi ng serye, isa ito sa mga pinakatinututukan na programa nationwide at nakakuha ng all-time high national TV ra-ting na 32.6%, ayon sa datos ng Kantar Media Television Audience Measurement (TAM), isang local viewership measurement company. Isa ito sa mga programang sinusubaybayan sa key countries worldwide via TFC online (TFC.tv).

Matindi ang su-porta ng netizens para sa palabas kaya naman trending topic ito gabi-gabi sa Twitter, at umaani ng papuri at libo-libong tweets.

Ngayong huling episode ng My Dear Heart, inaabangan ng mga manonood kung gagaling pa ba si Heart at kung paano makaaapekto sa mga tao sa paligid niya ang kanyang kahihinatnan.

Huwag palalampasin ang pagtatapos ng My Dear Heart, na mapapanood sa labas ng Filipinas via TFC. Samantala, ang huling episode naman nito ay may streaming simulcast sa ABS-CBN airing nito sa June 16, (Manila time) via TFC online (www.TFC.tv) sa key countries worldwide.  Ang catch-up episodes naman ay mapapanood din via TFC online (www.TFC.tv) at TFC internet protocol television (IPTV) sa key countries worldwide.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …