Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia Valdez, muling aarte sa pelikula sa Naked Truth

MULING haharap sa camera ang isa sa dating star ng Seiko Films na si Sofia Valdez. Na-introduce siya noon sa pelikulang Talong na pinagbidahan nina Nini Jacinto, Rodel Velayo, at Leonardo Litton sa movie company ni Boss Robbie Tan.

Kasalukuyang ginagawa ni Sofia ang pelikulang Naked Truth, isang advocacy film na pinamamahalaan ni Direk Manny Espolong. Ito’y mula sa Good Samaritan Productions na ang advocacy ay ukol sa environmental awareness and protection.

Bukod kay Sofia, ilan sa tampok dito ang American-Vietnamese actor na si Duy Beck, Tanya Gomez, at John Michael Wagnon.

Sinabi ni Sofia, ang papel niya sa pelikulang ito. “Bale ako po ‘yung parang kontrabida-bida sa movie na ito. Na ‘yung una, ako ‘yung parang sikat daw sa isang baryo, tapos biglang dumating ang isang character, si Halina, siya talaga ‘yung bida. Pero bandang huli magkakaron ng twist ‘yung movie.

“Makikita rin po sa movie na ito ang katotohanan kung paano pinagsamantalahan ng mga tao ang kalikasan,” wika niya.

Saad ni Sofia, “Si Duy Beck, siya naman dito ay isang International… parang environmentalist na mapapadpad doon sa town.”

Incidentally si Duy Beck ay isang actor, stuntman & producer sa US na kilala sa kanyang versatility, scene dialogue, at unique physical abilities. Ang kanyang pagiging stunt fighter with wires & mini-tramp sa pelikulang The Jade Pendant (2015) sa producer na si Scott Rosenfelt (Home Alone/Teen Wolf/Mystic Pizza) ay nakatulong sa pagsabak niya sa action films at pag-choreograph ng mga stunt, fight, at military scenes, kabilang ang Arnold Swartzenegger’s Mobile Strike (2016) at Moba Legends (2016) gaming apps. Gayon din ang pagiging principal enemy fighter at assistant stunt coordinator sa short film na Awaken (2017).

Anyway, tuloy-tuloy na raw ang pagbabalik-showbiz ni Sofia. “Opo, ngayon po at least, bibigyan ko ng last chance. Kasi, maraming movies ang ginawa ko, pero parang hindi ko napahalagahan ang ginawa ko. So ngayon ang plano ko po, gusto kong mag-focus, maging serious sa career sa showbiz.

“Ang daming time na lagi akong nasa-abroad na hindi ko naasikaso iyong lahat ng dapat, akala ko ay iyon ang way para maayos ang buhay ko. Pero iba pa rin talaga iyong gusto kong gawin dito sa Filipinas.”

Naging produkto ka ng Seiko Films na kilala sa mga sexy film, okay bang gumawa ka project na may halong sexy? “Hangga’t maaari, mas gugustuhin ko po na iyon munang acting ang ilabas naman. Kasi sobrang hasang-hasa na ako sa pagpapa-sexy noon. Kaya mas gusto kong iyong talent ko naman ang ipakita ko ngayon,” natatawang saad ni Sofia.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …