Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chemistry nina Angel at Richard, ‘di pa nawawala

MARAMI ang natutuwa na after ten years ay magkasama ulit sina Angel Locsin at Richard Gutierrez  sa La Luna Sangre at sa isang pelikula with Angelica Panganiban.

Happy at excited si Angel na makatrabaho ulit si Chard. Gusto rin niyang makita kung paano nag-grow si Richard bilang actor sa loob ng 10 taon na hindi nila pagsasama.

Hindi pa rin nawawala ang chemistry ng dalawa.

Anyway, iba ang sayang nararamdaman ni Angel na ipagpapatuloy nina Daniel Padilla at  Kathryn Bernardo ang sequel ng Lobo at Imortal.

“I’m very happy na isu-surrender namin itong next project sa kanila kasi sa tingin namin eh hihigitan pa nila ang nagawa namin (Angel, Piolo Pascual, at John Lloyd Cruz),” deklara ni Angel sa presscon ng La Luna Sangre na magsisimula sa June 19 sa Primetime ng ABS-CBN 2.

Excited din si Angel na makitang nagpa-fight scene si Daniel dahil idol niya ang tito nito (Robin Padilla). Hindi rin siya magugulat kung may pasabog din si DJ pagdating sa fight scenes.

May bilin din si Angel sa KathNiel na laging alagaan ang sarili nila sa mga fight scene. Mag-ingat at huwag iasa ‘yung safety nila sa ibang tao.

Kasama rin sa La Luna Sangre  sina  Joross Gamboa, Gelli De Belen, Ina Raymundo, Randy Santiago, Sue Ramirez, Tony Labrusca, atBryan Santos. Ito ay sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …