Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matt Evans, masaya dahil nakakawala sa gay role sa The Maid In London

IBANG Matt Evans ang mapapanood sa pelikulang The Maid In London na mula sa CineManila.UK Ltd. For a change, hindi bading ang papel ni Matt sa pelikulang ito na pinamamahalaan ni Direk Danni Ugali.

“Masaya ako, kasi nabigyan ako ng chance para sa ganitong role. Mas nakata- challenge at saka aminado ako, natututo ako lalo,” wika ni Matt.

Kapag may ibang tao na akala ay bading ka talaga, dahil sa napanood ka nila sa TV o pelikula, ano ang napi-feel mo?

Nakangiting sagot niya, “Actually para sa akin compliment iyon, kasi ibig sabihin ay nagampanan ko talaga ‘yung role ko.”

Matatandaang parang na-type cast si Matt sa gay roles, sa TV man o pelikula, dahil sa galing niyang mag-portray ng ganitong karakter. Pinakahuling napanood siya bilang gay sa The Greatest Love bilang si Andrei. This time, bukod sa lalaki si Matt sa nasabing movie, asawa niya rito si Andi Eignemann na gumanap bilang kapatid niya sa TGL.

Paano niya ide-describe ang pelikulang ito at ano ang role na kanyang ginagampanan dito?  ”Ito ay isang pelikula na punong-puno ng pangarap at pag-asa. Sobrang lapit sa re-yalidad ng pelikulang ito.”

Dagdag pa niya, “Ako po rito si Ben Santiago. Ako po ang gumanap na asawa ni Margo na pinagbidahan ni Andi (Eigenmann).”

Sa The Greatest Love ay magkapatid kayo ni Andi, pero rito ay mag-asawa kayo, may ilangan factor ba? “Wala po, kasi comfortable na kami sa isa’t isa. Masaya po ako noong nalaman ko na si Andi ulit ang makakatrabaho ko.”

May love scene ba kayo sa movie ni Andi? “Secret po, hahaha!” Nakatawang sagot ni Matt.

May nag-react ba na parang incest ito?  ”Wala naman po. Marami nga po ang natutuwa kasi magkasama ulit kami ni Andi,” esplika ni Matt.

Bukod kina Matt at Andi, tampok din sa The Maid in London sina Polo Ravales, Joshua De Guzman, Janice Jurado, Rina Reyes, Channel Latorre, Tere Gonzales, Star Orjaliza, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …