Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Emma Cordero, inilunsad ang Queen at Mister Voice of an Angel Universe 2017

PINANGUNAHAN ng 2016 Woman of The Universe at tinaguriang Princess of Songs na  si Ms. Emma Cordero ang paglulunsad ng Queen at Mister VOAA (Voice of an Angel) Universe 2017.

Proud niyang ipinakilala ang mga representative ng Filipinas para sa naturang beauty pa-geant. Ayaw niyang sarilinin ang pagiging beauty queen kaya nag-put up siya ng beauty pa-geant. Ang main purpose nito ay ipagpatuloy ang charity works at makatulong sa marami.

Ang naturang pageant ay kakaiba dahil wala ito sa beauty, wala sa yaman, kundi kung ano ang magandang kalooban ng mga candidate na dapat i-express at mga makabuluhang advocacy na nakatutulong sa iba.

“Natutuwa ako na nag-share at nakiisa sila sa advocacy para sa mga less fortunate lalong-lalo sa mga bata. Alam kong hindi lang sa Filipinas kundi sa buong mundo dapat i-share natin ang love,” saad ng singer/beauty queen.

Dagdag ni Ms. Emma, “Gusto ko lang maipakita nila sa mundo ang natatangi nilang talento and achievements sa buhay as an individual. It’s more on charity works. May mga foundation din sila na malaki ang naitutulong sa mga less fortunates. Parang pinagtagpo-tagpo talaga ng Di-yos ang mga taong may mabu-ting adhikain sa kapwa.”

Ang ilan sa ipinakilalang kinatawan ng Filipinas sa natu-rang event ay World Supermo-del Philippines 2017 Angela Ja-nine Guinto (Miss Philippines NCR), 4th Year AB in Tourism Management student sa Lyceum Alabang na si Maryflor Makawili (Miss Philippines Region 8), First Filipina Kimono Teacher Myla Tsutaichi (Mrs. Philippines Tokyo); Media Practitioner and Publisher Ana Manansala (Mrs. Philippines Region 2); Naturopathic Doctor Sevillo Tamayo (Mr. Philippines Region 4A); singer/performer Michelle Takahashi (Ms. Philippines Tokyo); at ang mabait at very ge-nerous na Maindie Queen na si Ms. Baby Go ng BG Productions International (Mrs. Philippines, NCR).

“For me, it’s time to give back and share as well the passion and the good hearts that our representatives will share and show the world,” wika pa ni Ms. Emma.

Makakalaban ng mga kinatawan ng Filipinas ang 30-40 countries sa iba’t ibang pa-nig ng mundo sa August 30 to September 3, 2017 sa San Palace Hotel Fukuoka, Japan.

Ito’y for the benefits ng EMCOR Voice of an  Angel (VOAA)  Foundation and   NPO Houjin  Ai Wo Agetai (I Wanna Give Love) Foundation.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …